November 7, 2009

Expect The Unexpected

Tulad ng nakagawian. Daily routine every school days. Magising ng 5:30AM, mag-almusal, magtoothbrush, maligo at syempre nagpapogi sa harapan ng mahiwagang salamin. Bago pa man ako makaalis ay nag-away kame ng aking ina dahil ayaw niya akong pasamahin sa field trip namin. Ganito yan eh...

[Translated to Tagalog]

Ako: Ma, sama ako fieldtrip noh?noh?noh?

Mommy: Hindi! Gastos lang yan. Dito ka nalang sa bahay sa araw ng field trip nyo.
[sabay palo ng hanger]

Ako: Aray! Pero kaylangan kasi sumama eh. Bakit naman hindi? Last na year ko na to sa highschool. Pagbigyan mo naman ako this time.

Mommy: NAGTANONG KA PA KUNG IPIPILIT MO DIN YUNG SA'YO!

Ako: P..p..Pero..

Mommy: Wala ng pero pero. Heto na baon mo at pumasok ka na sa eskwelahan.

Ako: Cge. Alis na po ako.

Umalis ako na may sama ng loob kay Mommy. Pumasok ako sa eskwelahan ng wala sa sarili. Iniisip kung paano ako makakaipon ng pera hanggang dead line ng pagbabayad.[sigh]

Uwian na. Kaarawan pala ng classmate ko. Nagyaya siya uminom.

"Sakto para mawala lahat ng hinanakit ko at makalimot kahit sandali lang" nasambit ko sa aking sarili.

"Shot mo na pre" wika ng kaklase ko. Inom, inom, inom.
Nakakarami na din kami. Malapit na kami matapos at hindi ko napansin ang oras.
Mag aala una na pala ng madaling araw[1:00AM]. Napatingin ako bigla sa cellphone ko. Aw! 9 Missed Calls Recieved. Mommy ko tumatawag.

Ako: Hello ma.

Mommy: Saan ka nak?

Parang umiiyak siya kasi nag iba ang boses nya.

Ako: Sa bahay ng classmate ko. Birthday nya. Uwi na ako sige.

Mommy: Pasensya na anak. Wag mong isipin na wala kaming tiwala sa'yo ng Daddy mo. Iniisip lang namin yung makakabuti. Ayaw lang namin mag-alala. Sige, pinapayagan na kita sumama sa fieldtrip nyo.

Nagdrama?

Ako: Sige. Pauwi na ako.

Makalipas ang ilang minuto.

Nung malapit na ako sa bahay ay naaninag ko ang isang babae na nakaupo sa harapan ng bahay namin. Nakatulog siya sa bangko kakahintay sa akin. Kinalabit ko sya at kinausap.

"Ma, gising. Pasok na tayo madaling araw na oh"

Yumakap bigla sa akin.

"Patawad anak" Nasabi nalang nya.

Hanggang ngayon nadidinig ko pa yung mga salitang yun. Patuloy na pabalik-balik sa aking tenga. Masarap pala ang pakiramdam. Damang-dama ko ang pagsisi ng aking ina. Naramdaman din siguro niya na medyo sumama yung loob ko kanina. Salamat sa'yo Mommy:)


“To forgive is to set a prisoner free and discover that the prisoner was you.”

-Lewis B. Smedes

3 comments:

glentot said...

Aww naalala ko tuloy nung nag-away kami ng Nanay ko tapos nung after lunch umalis sya para magwork lumayas ako at sumakay ng bus pa-Manila tapos nung gabi pag-uwi nya at nakitang wala na ako tumawag sya sa akin at umiiyak pinababalik ako too late nasa bus na me hehehehehehehe.

. said...

awh. haha . preho pala tayo sir :)

Anonymous said...

I am in fact grateful to the owner of this web page who has
shared this impressive paragraph at at this place.



Stop by my web site - diet plans for women

Post a Comment