November 8, 2009

Binata Na Si Totoy

First year sa mataas na paaralan. Nag aaral ako noon sa isang pampublikong paaralan dito sa aming lugar. Dito nabuksan ang aking kamalayan. Natutong ngumiti, umiyak, masaktan, magmahal, magpahalaga, makipagkaibigan, mandaya sa exams, magcutting class, manligaw ng kung sinu-sino dyan, maglibot/maglakwatsa, at unang mapahiya sa klase:)

Natuto ako magbisyo ng mga panahong iyon. Hindi pumapasok sa eskwelahan para lang makapag Computer games/Online games. Isang buwan na kasinungalan. 1 month ako di pumapasok sa school dahil naadik tlaga ako sa Counter Strike at Ragnarok nun. Nung malaman ng nanay ko na hindi ako pumapasok. Pag uwi ko palang sa bahay sumalubong na sa akin yung 2x2 na kahoy. Shit! 360 Degrees Full Swing High Angle ang pagkapalo sa mga legs ko. Magmula nun hindi na ako nagcutting. Nanigarilyo at uminom nalang ako ng alak. Naimpluwensyahan ako ng mga repeater kong kaklase. Haha.

Sila ay sina Noli, Ralph at yung isa naman si Darwin. Apat kame. Teacher at Public enemy ang nabansag kay Noli dahil lahat yata ng teacher sa eskwelahan kaaway nya pati mga guwardiya at janitor at ilang mga estudyante. Si Ralph naman ewan ko kung anung pink na usok ang bumabalot sa kanyang pagkatao. Hindi sya masyadong nagsasalita at tahimik lang talaga. Sa sobrang katahimikan nya hindi na napapansin kung absent ba o present sya sa klase. Si Darwin ang adik. Lahat na yata ng klase ng drugs nasubukan na. Siya yung tipo ng tao na kapag kinausap mo ay mag-eenjoy at matatawa ka talaga kasi lagi syang naka high. Umaga pa lang sabog na sabog na siya. Kung idedescribe ko siya ganito ang pagmumukha nya. Dilaw na mga mata, maputlang labi,payat na katawan at parang may osteoporosis at kamukhang kamukha nya si Makibaoh.[Click me to see]. Last but not the least. Ang inyong lingkod na si Master Pakoy The Great. Haha. Bunso[soy]. Yan ang tawag sa akin dahil ako ang pinakabata. 12 o 13 years old lang yata ako nun pero sila nasa 15 pataas na.

Every friday may inuman session kameng apat. Minsan may mga sumasama sa mga classmates namin pero mostly kaming apat lang talaga. Kwentuhan, asaran at share ng mga ekspiryens sa buhay. Pag mga ganun na yung usapan hindi na ako makasabay kasi sobrang wala pa talaga akong alam. Elementary puro pag-aaral lang nasa utak ko. Pero pag babae na pinag-uusapan ako ang isinasabak nila. Torpe kasi ang mga puta. Kapag may nagugustuhan sila ako ang uutusan nila para kunin yung cellphone number nung hitad. Syempre ako yung pinakapogi kaya hindi daw makakatanggi na ibigay yung cellphone number.LABAN KA!?. Mga hinayupak talaga. Silang tatlo may lablayp samantalang ako wala. Haha. Ok lang yun.

Minsan nung pare-pareho sila bigo sa buhay. May problema daw silang lahat sa bahay. Ganda pa naman ng araw ko noon. Pero sila parang nawalan ng pekpek na kakantutin minamahal sa buhay. Kaya kahit gusto ko pumasok ng paaralan hindi na ako nakapasok at nagcutting na muli. Haha. Inabangan ako sa tindahan malapit sa paaralan at niyaya ako uminom. Pumayag naman ako. Pumunta kami sa bahay nina Noli. Putang inang giliw nabigla ako kasi mayaman naman pala sila. Kaya pala lagi niya ako nililibre pag lunch. Haha. Nagtanong ako.

Ako: Nol bakit sa public school mo naisipan mag aral?

Noli: Mas may thrill at mas masaya sa public soy, pag private hindi sila nakakasakay sa mga trip ko. Buti pa sa inyo.

Ako: Ah. Sige.

Walang tao sa bahay nila noon. Bumili sila ng isang case na Red Horse. Nung makalahati namin yung isang case nag open ako ng topic.

Ako: Paps, ano bang nangyari sainyo ng parents mo?

Noli: Nag away nanaman sila. Parehong umalis dito. Nakakabanas. Paulit ulit nalang ang mga nangyayari dito sa bahay.

Ralph: Pre, ang magandang gawin mo kapag ganun yayain mo nalang kame uminom. Hehe[sabay inom ng alak na nasa baso]

Darwin: Try mo to pare. Taas ng dosage neto.

Noli: Gago!

Biglang pumasok sa isip ko. Sa bahay pala nakukuha ang ugali ng isang tao. Kaya pala palaaway siya kasi lagi niya itong nakikita sa pamamahay nila.

Nagtapos ako ng First year na baon ang mga alaala na ibinigay sakin ng aking mga kaibigan. Marami akong natutunan sakanila. Mga bagay tungkol sa buhay na dadalhin ko hanggang sa pagtanda. Pagsasamahang walang katulad.

Ngayon hindi ko na alam kung saan na napadpad yung mga lechugas na yun. Iniisip ko nga saan na kaya napunta yung si Noli, Darwin, at Ralph. Siguro nakagraduate na sila. Siguro nagbago na yung pamilya ni Noli at si Darwin nasa rehab na malamang. Siguro si Ralph marunong na magsalita. Haay buhay nga naman. Wala talagang permanenteng bagay dito sa mundo.

"Memory is a man's real possession...In nothing else is he rich, in nothing else is he poor."


--Alexander Smith

0 comments:

Post a Comment