April 24, 2010

Gotta Kill Em' All Jhejhemhonsxxzz.


Aksidente akong nakapanuod ng showtime kanina sa telebisyon at narinig ko si Vice na sinabi yung word na "Jejemon". Naalala ko. Based on Harvey Marcoleta sa column niya sa Philippine Daily Inquirer. He calls their language "Jejenese" and their alphabets as "Jejebet". Hindi naman sa nilalait o dinidiscriminate ko sila pero hindi ba kaartehan yung ganitong salita o text?

"eLoewh pfOehh. Usztah nUah? mHhuaAhhkszz."

Pohtangena. Holy potatoes! Sino bang hindi maririndi o maiinis sa ganyang mensahe na mababasa mo sa text, comment sa friendster, pm sa ym at kung anu-ano pa. I admit naiirita ako kapag tinetext ako ng ganyang mensahe ng mga kaibigan o kapamilya ko. Noong isang araw napagsabihin ko yung pinsan ko dahil sa ganyan.

Via text message...

Pinsan: ,,..kuya,.. bvaqet woala kha sza bvahay?

Ako: Katarantaduhan yung text mo! Sang probinsya ka galing!?

Pagkatapos hindi na nagreply. Nakakairita kasi talaga eh. Tapos nakakaturn-off yun lalo na sa mga babae. Potah! Kelan pa matatapos ang pananalanta ng mga "Jejemons" dito sa ating lipunan. Mababa na nga yung pagkatao lalo pang pinabababa. Wala ba kayong mga pinag-aralan? Ilang taon ang ginugol ninyo sa elementarya? Pasusyal di naman mayaman. Maarte nga dugyot naman yung kasuotan. Pwede naman na simple lang diba? Hindi yan makakabute sa ating lahat! Bakit? Porke ba ganyan na yung content ng mensahe na itetext ninyo feeling niyo susyal na kayo nun? Pagtatagain ko mga daliri niyo eh! Kaawa awa naman kayong mga nilalalang kayo. Wala na ngang maipagmayabang nagyayabang pa kayo. Lalo na yung mga hindi talaga marunong umintindi! Anu vey!?:((

Nakakalungkot din naman yun eh. Hindi ako nagagalit, naaawa lang ako. Kung ikaw ay isang jejemon din na napadpad ng masamang air dito sa kuta ko sana matuto ka na. Hindi nakakadagdag ng sex appeal yan, hindi rin yan nakakaturn-on. Mga kuya at ate magising kayo sa katotohanan! Ganito ang tamang spelling oh. Capital "H" small "e" "l" "l" "o". Ganyan ang tamang spelling ng Hello. Hindi eOw. Baduy saka korni brader and sister. Alam ko wala akong karapatan. Isinilang tayo na pantay pantay. Alam ko may kanya-kanya tayong paniniwala at pananaw sa buhay. Pero sana matuto na kayo. Tao kayo hindi kayo mga alien. Pero kung trying-hard ka at medyo mapurol ang utak mo. Sige, keep up the GOOOOOD work! Patuloy sa mga ginagawa habang patuloy kang pinagtatawanan ng ibang mga tao. Respetuhin ninyo yung mga sarili niyo kung gusto niyong respetuhin kayo ng ibang tao. Hindi kayo deserving para laitin ng ibang tao. May panahon pa. Magbago na kayo. Kahit ako magdadamdam din ako kung ganito yung maririnig ko para sa aking mga kapamilya. Weh? Drama? Hindi!

Para naman dun sa mga grammar nazi o watever they call it. Huwag kayong magmarunong. Hindi kayo perpekto at lalong hindi kayo Diyos. Lahat tayo nagkakamali. Pwede pa naman itama eh. Pero para sainyong mga nagmamarunong. Itigil na ninyo ang kahibangan na yan. Wala kayong mapapala sa pagmamarunong ninyo. Salamat!

February 28, 2010

J.S. Prom:)

Junior and Senior promenade. Hell yeah! Nag-enjoy ako ng sobra. update ko lang kayo. Mukhang inamag na itong blog ko eh.

February 26, 2010 Friday

Morning. Maaga akong nagising dahil papasok ako ng eskwelahan. Half day lang yun pasok. 8:00AM - 11:30AM. Pinapasok kasi ako ng babyko eh. Kaya ayun. Beauty rest nalang sana ako sa bahay. Haha! Biro lang. Umaga hanggang uwian kulitan lang kami. Wala naman kasing ginagawa dahil busy lahat para sa gaganaping event mamayang gabi.

Uwian na:)

Lumaklak tapos natulog. Paggising ko. Aba! 6:00 na. Owshit! Late na ako sa prom. Kumilos ako ng mabilis pa kay The Flash. Natataranta na ako. 5:30PM yung registration pero di bale. Di naman magstart yung program habang wala ako. Haha! Importante ba? Magaalas-siyete na noong nakadating ako sa vanue. Shit! Anak ng pink na tipaklong naman oh. Kung mamalasin nga naman talaga. Wala si uncle. Wala akong sasayaaaaan[teary-eyed na si pogi]. Kailangan kong gumawa ng paraan. Hindi pwedeng hindi ako makapunta dun. Kahit nakakahiya sumakay ako ng tricycle papunta dun. Pagdating sa venue takbo ako kagad sa entrace. Nice! Hindi pa ako late. Kinapkapan ako agad nung guard. Tinanggal muna mga piercings. Bawal daw eh. Pero pagpasok nilagay kagad. Haha! Late na talaga ako. Sa lahat ng boys sa prom ako ng yung pinakahuling dumating. Nasa malapit pa naman ng dance floor yung table ng section namin. Bawat hakbang ko pinapanood ng mga tao. Sakin nakapako yung tingin nila. Err! Pero confident ako naglakad. Kunware galing lang sa c.r. stomach in chest out. Ang angas daw ng dating ko. Naku! Simple lang naman ako maglakad eh. Sadyang maganda lang talaga yung tindig ko. Kumontra paslang. Nasaan na siya. Lumilingon lingon ako sa paligid habang naglalakad papunta sa table namin. Hinahanap ko si babyko. Nasaan ka naaaa!!? sabi ko sa sarili ko. Hanggang nakadating ako sa patutunguhan ko hindi ko siya nakita. Nagtext bigla. "Angas mo maglakad" sabi niya. Tapos punta ako kaagad sa table ng section niya. SHEET! Di ko siya nakilala. Napakaganda talaga ng asawa ko. Start na. This is it! Buong gabi siya yung kasayaw ko. Kasama ko siya. Bleeh! :P Matunaw ka sa ingget! 40 Minutes bago matapos yung js prom sinundo na siya. PUTAAAA! Sayang agad siya umuwe. Nawalan na ako ng gana. Umuwi na din ako. Wala na eh. Wala na ako gagawin dun. Hindi ko kayang magtaksil sakanya eh. Kaya umuwi na din ako. Baka magkaaberya pa.

February 10, 2010

Public Enemies!

Malapit na ang graduation. Iisa-isahin ko na yung mga kalaban ko. Low level to highest level! Hindi nila totoong pangalan.

7. Mr. Duni - pinakamabait. Nakasmile pa rin kahit galit at napipikon na. 2nd adviser namin. Siya yung nakakaintindi sa lahat ng problema naming magkaklase.Hindi yan marunong magalit. Kabiruan ko din yan. Mabait siya. Pinaka d'best yan. Marunong din magturo. Buti na lang Physics ang tinuturuan niya. I enjoy his subject. Hindi ako nahirapan sa science this 4th year. Wala pa siyang tinutulan sa mga ginagawa ko. Kamag-anak niya yung guidance councilor kaya kapag nagkaproblema ako sinasalo niya agad ako ng walang alinlangan.

6. Mr. Cobra - mabait din ito. Kahit wala nang ginagawa sa subject niya ok pa din sakanya. Maaasahan yan pagdating sa inuman pero putang ina bagsak ako sakaniya 2nd grading. Haha!.

5. a.k.a. Mr. Gori - kilalang kilala na siya sa pangalan na ito. Pagpasok ko palang sa school ito na agad ang nakagisnan kong tawag sakanya. Kamukha kasi niya si Takenori Akagi ng slam dunk. [Click me to see].

4. Mrs. Big Nose - malaki ang ilongm, malapad ang noo, at masama ang pag-uugali. Yun lang!

3. Mr. Palamura - wala pang ginagawang masama eh nagmumura na kaagad. Ang sarap paluin ng batuta sa leeg. Nagpapaquiz ng wala naman dinidiscuss. Napakahirap magpagawa ng project. Walang sinasanto.

2. Mrs. K.J of all time - kill joy talaga itong matandang hukluban na ito. Lahat na lang eh binabawal. Konting kilos pagbabawalan na kaagad ang section namin. Lahat na lang eh nakikita niya. Magtapon lang ng napakaliit ng kendi sa basurahan pangangaralan pa talaga. Lagi akong natatawag pag recitation na. Err! Syempre hindi ako sumasagot. Naiinis kasi ako sakanya eh. Pero pumapasa naman. Mabait to pag wala siya sa loob ng classroom.

1. Mrs. Bungangerang maderpaker daughter of a bitch! - WWWWOOORRRSSTT! Pinakakalaban ko este ng buong section FARAD! Lahat ng bagay na tungkol sakaniya ay kinaiinisan namin. Lahat na lang kasi pinapakealaman niya. Sadyang nakakapanggigil talaga itong malaking fungi na ito. Ang sarap balatan ng buhay. pramis. Pinaka ayaw ko siya. Muntikan ko pa nga murahin ng harapan itong animal na to eh. Buti na lang marunong ako magpasensya. Oh God unawain ninyo po sana itong aking nararamdaman sa taong ito. Mainit lang talaga ang dugo ko sakaniya. Pero kung inyo pong mamarapatin sana po masagasaan siya ng pison o kaya naman ay kunin siya ni Jigsaw o kaya naman ay lamunin siya ng mga cannibal. PLEASE!

February 5, 2010

On Track!

Now Playing: Your Universe - Rico Blanco.

"I don't think that you even realize
The joy you make me feel when i'm inside
Your universe
You hold me like i'm the one who's precious
I hate to break it to you but its just
The other way around
You can thank your stars all you want but
I'll always be the lucky one"


Sadyang nababaliw o nasisiraan na ba talaga ako ng bait? Pahingi naman ng tamang pagpapaliwanag. Bakit kapag malayo siya sakin nawawala ako sa sarili ko? Hinahanap hanap ko siya. As in gustong gusto na talaga makita. Yung tipong parang karugtong na siya ng buhay ko. Parang paghinga na kailangan ko oras-oras,minu-minuto. Naaasar ako kapag may kumakausap sakanyang iba. OO! Seloso talaga ako. Ganun din naman daw siya. Nanggigigil at tumataas daw blood pressure niya kapag may kausap akong ibang gerl. Kaya ayun iwas ako sa mga hitad sa school pati sa mga classmates ko. Ok lang yun. Mahal ko naman siya. Lalo ako napapaibig pag nagseselos siya eh. Haha! Sabi nga niya nung minsan.

"Buti na lang nakapagpigil ako kundi makakapatay talaga ako!"

Weee! Ang sweet ng baby ko. Nag away kami noon. Nagpaliwanag at nagexplain ako ng mabuti sakanya. Katakot-takot na pagsosorry yung ginawa ko.

"Ako yung kinakausap nila hindi sila yung kinakausap ko! Sadyang pogi lang talaga ako. Haha:)" Ako.

"KAPAL MO! Kundi lang tlaga lab!" Siya.

"ANO!?"

"WALA! Pakiss nga!"

Pagkatapos nun back to abnormal ulet. Napakadami niya naiisip na punchline. Nagpapatawa at nagpapahalakhak sa akin. Lahat ginagawa niya para lang makita ako nakangiti. Kapag tahimik naman ako alam niya na may dinadamdam ako kaya kakausapin niya ako ng kakausapin hanggang matawa ako sakanya. Tapos mapipikon naman siya pag tinatawag ko siya sa pangalan niya. Haha! Namimiss ko na tuloy siya.

January 31, 2010

Ikaw . . . Lamok

May mga taong tulad ng lamok, sa dugo ng iba nagpapakabusog


Isang malalim na gabi'y napagmasdan kita. Hindi ako makatulog noon kaya binuksan ko ang ilaw. Nakita kitang aali-aligid sa katawan ng aking kapatid. Pinilit kitang hulihin ngunit hindi ko nagawa. Ginawa ko ito dahil alam kong mamaya lamang ay sisipsip ka ng dugo sa kanya. Pinabayaan kita. Nahiga ulit ako at nag-isip nang malalim. Maya-maya, heto ka na naman at sa akin umaaligid. Tinangka kitang hulihin ngunit di ko muling nagawa. Muli akong nahiga at nag-isip ng nag-isip.

Maya-maya uli, bumangon ako at pinatay ang ilaw, nahiga t nagsisimula na sana akong matulog nang maramdaman kong nangati ang aking mukha. Napatampal ako at napatay kita. Sumambulat ang dugo sa katawan mo. Dahil doon, tuluyan akong hindi nakatulog,

Sumaisip ko na naman ang suliraning bumabagabag sa akin at sa hindi sinasadya'y naging bahagi ka rin ng isipang yaon.

Ikaw na isang lamon lamang ay naihambing ko sa mga taong nagbabalatkayo sa kanilang katauhan. Katulad mo ring sumusipsip ng dugo, lagi silang nakakapit sa akin kapag nangangailangan at kapag may nakamit akong tagumpay. Laging maganda ang sinasabi sa akin kapag kaharap ako.

Tulad mo rin na kunwa'y aali-aligid kapag nakabukas ang ilaw. Nang pinatay ko ang ilaw ay saka lamang lumapit sa akin, kinagat at pinapak ang aking dugo.

Ganoon din sila, na kapag bumagsak ako sa aking kinalalagyan at hahanap-hanapin ko sila sa aking tabi, wala na. Kapag nakatalikod ako, kung anu-anong masamang bagay ang sinasabi nila tungkol sa akin na ikinasasakit ng aking kalooban. Sa aking panimdim, wala man lamang ni isa sa kanilang umaaliw sa akin. Sa ganoong pagkakataon ko nakikilala ang tunay nilang pagkatao at ang mga dungis nila ay sa ganoong pagkakataon ko rin natutuklasan.

Ganoon din nga pala, nagising ako sa katotohanan na ang mga tao palang yaon ay huwad at siyang nagbigay sa akin ng aral ukol sa pakikitungo sa kapwa. Ang katotohanang iyon ang nagdulot sa akin ng tatag ng loob na pumila ng aking kakaibiganin.

Bakit ganyan ka, Munting Lamok? Kapag may ilaw ay aali-aligid lamang na parang nilalaro mo ako, ngunit kapag nasa kadiliman, nangangagat ka! Hindi ka marunong mamuhay ng hindi aasa sa iba. Bakit nga ba?

A, hindi bale na lamang. Kahit ka magkagayo'y nagpapasalamat pa rin ako. Ituturing pa rin kitang kaibigang nagmulat sa akin sa katotohanan.

Maraming salamat, Kaibigang Lamok. BITCH!