Showing posts with label Random. Show all posts
Showing posts with label Random. Show all posts

April 24, 2010

Gotta Kill Em' All Jhejhemhonsxxzz.


Aksidente akong nakapanuod ng showtime kanina sa telebisyon at narinig ko si Vice na sinabi yung word na "Jejemon". Naalala ko. Based on Harvey Marcoleta sa column niya sa Philippine Daily Inquirer. He calls their language "Jejenese" and their alphabets as "Jejebet". Hindi naman sa nilalait o dinidiscriminate ko sila pero hindi ba kaartehan yung ganitong salita o text?

"eLoewh pfOehh. Usztah nUah? mHhuaAhhkszz."

Pohtangena. Holy potatoes! Sino bang hindi maririndi o maiinis sa ganyang mensahe na mababasa mo sa text, comment sa friendster, pm sa ym at kung anu-ano pa. I admit naiirita ako kapag tinetext ako ng ganyang mensahe ng mga kaibigan o kapamilya ko. Noong isang araw napagsabihin ko yung pinsan ko dahil sa ganyan.

Via text message...

Pinsan: ,,..kuya,.. bvaqet woala kha sza bvahay?

Ako: Katarantaduhan yung text mo! Sang probinsya ka galing!?

Pagkatapos hindi na nagreply. Nakakairita kasi talaga eh. Tapos nakakaturn-off yun lalo na sa mga babae. Potah! Kelan pa matatapos ang pananalanta ng mga "Jejemons" dito sa ating lipunan. Mababa na nga yung pagkatao lalo pang pinabababa. Wala ba kayong mga pinag-aralan? Ilang taon ang ginugol ninyo sa elementarya? Pasusyal di naman mayaman. Maarte nga dugyot naman yung kasuotan. Pwede naman na simple lang diba? Hindi yan makakabute sa ating lahat! Bakit? Porke ba ganyan na yung content ng mensahe na itetext ninyo feeling niyo susyal na kayo nun? Pagtatagain ko mga daliri niyo eh! Kaawa awa naman kayong mga nilalalang kayo. Wala na ngang maipagmayabang nagyayabang pa kayo. Lalo na yung mga hindi talaga marunong umintindi! Anu vey!?:((

Nakakalungkot din naman yun eh. Hindi ako nagagalit, naaawa lang ako. Kung ikaw ay isang jejemon din na napadpad ng masamang air dito sa kuta ko sana matuto ka na. Hindi nakakadagdag ng sex appeal yan, hindi rin yan nakakaturn-on. Mga kuya at ate magising kayo sa katotohanan! Ganito ang tamang spelling oh. Capital "H" small "e" "l" "l" "o". Ganyan ang tamang spelling ng Hello. Hindi eOw. Baduy saka korni brader and sister. Alam ko wala akong karapatan. Isinilang tayo na pantay pantay. Alam ko may kanya-kanya tayong paniniwala at pananaw sa buhay. Pero sana matuto na kayo. Tao kayo hindi kayo mga alien. Pero kung trying-hard ka at medyo mapurol ang utak mo. Sige, keep up the GOOOOOD work! Patuloy sa mga ginagawa habang patuloy kang pinagtatawanan ng ibang mga tao. Respetuhin ninyo yung mga sarili niyo kung gusto niyong respetuhin kayo ng ibang tao. Hindi kayo deserving para laitin ng ibang tao. May panahon pa. Magbago na kayo. Kahit ako magdadamdam din ako kung ganito yung maririnig ko para sa aking mga kapamilya. Weh? Drama? Hindi!

Para naman dun sa mga grammar nazi o watever they call it. Huwag kayong magmarunong. Hindi kayo perpekto at lalong hindi kayo Diyos. Lahat tayo nagkakamali. Pwede pa naman itama eh. Pero para sainyong mga nagmamarunong. Itigil na ninyo ang kahibangan na yan. Wala kayong mapapala sa pagmamarunong ninyo. Salamat!

February 28, 2010

J.S. Prom:)

Junior and Senior promenade. Hell yeah! Nag-enjoy ako ng sobra. update ko lang kayo. Mukhang inamag na itong blog ko eh.

February 26, 2010 Friday

Morning. Maaga akong nagising dahil papasok ako ng eskwelahan. Half day lang yun pasok. 8:00AM - 11:30AM. Pinapasok kasi ako ng babyko eh. Kaya ayun. Beauty rest nalang sana ako sa bahay. Haha! Biro lang. Umaga hanggang uwian kulitan lang kami. Wala naman kasing ginagawa dahil busy lahat para sa gaganaping event mamayang gabi.

Uwian na:)

Lumaklak tapos natulog. Paggising ko. Aba! 6:00 na. Owshit! Late na ako sa prom. Kumilos ako ng mabilis pa kay The Flash. Natataranta na ako. 5:30PM yung registration pero di bale. Di naman magstart yung program habang wala ako. Haha! Importante ba? Magaalas-siyete na noong nakadating ako sa vanue. Shit! Anak ng pink na tipaklong naman oh. Kung mamalasin nga naman talaga. Wala si uncle. Wala akong sasayaaaaan[teary-eyed na si pogi]. Kailangan kong gumawa ng paraan. Hindi pwedeng hindi ako makapunta dun. Kahit nakakahiya sumakay ako ng tricycle papunta dun. Pagdating sa venue takbo ako kagad sa entrace. Nice! Hindi pa ako late. Kinapkapan ako agad nung guard. Tinanggal muna mga piercings. Bawal daw eh. Pero pagpasok nilagay kagad. Haha! Late na talaga ako. Sa lahat ng boys sa prom ako ng yung pinakahuling dumating. Nasa malapit pa naman ng dance floor yung table ng section namin. Bawat hakbang ko pinapanood ng mga tao. Sakin nakapako yung tingin nila. Err! Pero confident ako naglakad. Kunware galing lang sa c.r. stomach in chest out. Ang angas daw ng dating ko. Naku! Simple lang naman ako maglakad eh. Sadyang maganda lang talaga yung tindig ko. Kumontra paslang. Nasaan na siya. Lumilingon lingon ako sa paligid habang naglalakad papunta sa table namin. Hinahanap ko si babyko. Nasaan ka naaaa!!? sabi ko sa sarili ko. Hanggang nakadating ako sa patutunguhan ko hindi ko siya nakita. Nagtext bigla. "Angas mo maglakad" sabi niya. Tapos punta ako kaagad sa table ng section niya. SHEET! Di ko siya nakilala. Napakaganda talaga ng asawa ko. Start na. This is it! Buong gabi siya yung kasayaw ko. Kasama ko siya. Bleeh! :P Matunaw ka sa ingget! 40 Minutes bago matapos yung js prom sinundo na siya. PUTAAAA! Sayang agad siya umuwe. Nawalan na ako ng gana. Umuwi na din ako. Wala na eh. Wala na ako gagawin dun. Hindi ko kayang magtaksil sakanya eh. Kaya umuwi na din ako. Baka magkaaberya pa.

February 10, 2010

Public Enemies!

Malapit na ang graduation. Iisa-isahin ko na yung mga kalaban ko. Low level to highest level! Hindi nila totoong pangalan.

7. Mr. Duni - pinakamabait. Nakasmile pa rin kahit galit at napipikon na. 2nd adviser namin. Siya yung nakakaintindi sa lahat ng problema naming magkaklase.Hindi yan marunong magalit. Kabiruan ko din yan. Mabait siya. Pinaka d'best yan. Marunong din magturo. Buti na lang Physics ang tinuturuan niya. I enjoy his subject. Hindi ako nahirapan sa science this 4th year. Wala pa siyang tinutulan sa mga ginagawa ko. Kamag-anak niya yung guidance councilor kaya kapag nagkaproblema ako sinasalo niya agad ako ng walang alinlangan.

6. Mr. Cobra - mabait din ito. Kahit wala nang ginagawa sa subject niya ok pa din sakanya. Maaasahan yan pagdating sa inuman pero putang ina bagsak ako sakaniya 2nd grading. Haha!.

5. a.k.a. Mr. Gori - kilalang kilala na siya sa pangalan na ito. Pagpasok ko palang sa school ito na agad ang nakagisnan kong tawag sakanya. Kamukha kasi niya si Takenori Akagi ng slam dunk. [Click me to see].

4. Mrs. Big Nose - malaki ang ilongm, malapad ang noo, at masama ang pag-uugali. Yun lang!

3. Mr. Palamura - wala pang ginagawang masama eh nagmumura na kaagad. Ang sarap paluin ng batuta sa leeg. Nagpapaquiz ng wala naman dinidiscuss. Napakahirap magpagawa ng project. Walang sinasanto.

2. Mrs. K.J of all time - kill joy talaga itong matandang hukluban na ito. Lahat na lang eh binabawal. Konting kilos pagbabawalan na kaagad ang section namin. Lahat na lang eh nakikita niya. Magtapon lang ng napakaliit ng kendi sa basurahan pangangaralan pa talaga. Lagi akong natatawag pag recitation na. Err! Syempre hindi ako sumasagot. Naiinis kasi ako sakanya eh. Pero pumapasa naman. Mabait to pag wala siya sa loob ng classroom.

1. Mrs. Bungangerang maderpaker daughter of a bitch! - WWWWOOORRRSSTT! Pinakakalaban ko este ng buong section FARAD! Lahat ng bagay na tungkol sakaniya ay kinaiinisan namin. Lahat na lang kasi pinapakealaman niya. Sadyang nakakapanggigil talaga itong malaking fungi na ito. Ang sarap balatan ng buhay. pramis. Pinaka ayaw ko siya. Muntikan ko pa nga murahin ng harapan itong animal na to eh. Buti na lang marunong ako magpasensya. Oh God unawain ninyo po sana itong aking nararamdaman sa taong ito. Mainit lang talaga ang dugo ko sakaniya. Pero kung inyo pong mamarapatin sana po masagasaan siya ng pison o kaya naman ay kunin siya ni Jigsaw o kaya naman ay lamunin siya ng mga cannibal. PLEASE!

February 5, 2010

On Track!

Now Playing: Your Universe - Rico Blanco.

"I don't think that you even realize
The joy you make me feel when i'm inside
Your universe
You hold me like i'm the one who's precious
I hate to break it to you but its just
The other way around
You can thank your stars all you want but
I'll always be the lucky one"


Sadyang nababaliw o nasisiraan na ba talaga ako ng bait? Pahingi naman ng tamang pagpapaliwanag. Bakit kapag malayo siya sakin nawawala ako sa sarili ko? Hinahanap hanap ko siya. As in gustong gusto na talaga makita. Yung tipong parang karugtong na siya ng buhay ko. Parang paghinga na kailangan ko oras-oras,minu-minuto. Naaasar ako kapag may kumakausap sakanyang iba. OO! Seloso talaga ako. Ganun din naman daw siya. Nanggigigil at tumataas daw blood pressure niya kapag may kausap akong ibang gerl. Kaya ayun iwas ako sa mga hitad sa school pati sa mga classmates ko. Ok lang yun. Mahal ko naman siya. Lalo ako napapaibig pag nagseselos siya eh. Haha! Sabi nga niya nung minsan.

"Buti na lang nakapagpigil ako kundi makakapatay talaga ako!"

Weee! Ang sweet ng baby ko. Nag away kami noon. Nagpaliwanag at nagexplain ako ng mabuti sakanya. Katakot-takot na pagsosorry yung ginawa ko.

"Ako yung kinakausap nila hindi sila yung kinakausap ko! Sadyang pogi lang talaga ako. Haha:)" Ako.

"KAPAL MO! Kundi lang tlaga lab!" Siya.

"ANO!?"

"WALA! Pakiss nga!"

Pagkatapos nun back to abnormal ulet. Napakadami niya naiisip na punchline. Nagpapatawa at nagpapahalakhak sa akin. Lahat ginagawa niya para lang makita ako nakangiti. Kapag tahimik naman ako alam niya na may dinadamdam ako kaya kakausapin niya ako ng kakausapin hanggang matawa ako sakanya. Tapos mapipikon naman siya pag tinatawag ko siya sa pangalan niya. Haha! Namimiss ko na tuloy siya.

January 31, 2010

Ikaw . . . Lamok

May mga taong tulad ng lamok, sa dugo ng iba nagpapakabusog


Isang malalim na gabi'y napagmasdan kita. Hindi ako makatulog noon kaya binuksan ko ang ilaw. Nakita kitang aali-aligid sa katawan ng aking kapatid. Pinilit kitang hulihin ngunit hindi ko nagawa. Ginawa ko ito dahil alam kong mamaya lamang ay sisipsip ka ng dugo sa kanya. Pinabayaan kita. Nahiga ulit ako at nag-isip nang malalim. Maya-maya, heto ka na naman at sa akin umaaligid. Tinangka kitang hulihin ngunit di ko muling nagawa. Muli akong nahiga at nag-isip ng nag-isip.

Maya-maya uli, bumangon ako at pinatay ang ilaw, nahiga t nagsisimula na sana akong matulog nang maramdaman kong nangati ang aking mukha. Napatampal ako at napatay kita. Sumambulat ang dugo sa katawan mo. Dahil doon, tuluyan akong hindi nakatulog,

Sumaisip ko na naman ang suliraning bumabagabag sa akin at sa hindi sinasadya'y naging bahagi ka rin ng isipang yaon.

Ikaw na isang lamon lamang ay naihambing ko sa mga taong nagbabalatkayo sa kanilang katauhan. Katulad mo ring sumusipsip ng dugo, lagi silang nakakapit sa akin kapag nangangailangan at kapag may nakamit akong tagumpay. Laging maganda ang sinasabi sa akin kapag kaharap ako.

Tulad mo rin na kunwa'y aali-aligid kapag nakabukas ang ilaw. Nang pinatay ko ang ilaw ay saka lamang lumapit sa akin, kinagat at pinapak ang aking dugo.

Ganoon din sila, na kapag bumagsak ako sa aking kinalalagyan at hahanap-hanapin ko sila sa aking tabi, wala na. Kapag nakatalikod ako, kung anu-anong masamang bagay ang sinasabi nila tungkol sa akin na ikinasasakit ng aking kalooban. Sa aking panimdim, wala man lamang ni isa sa kanilang umaaliw sa akin. Sa ganoong pagkakataon ko nakikilala ang tunay nilang pagkatao at ang mga dungis nila ay sa ganoong pagkakataon ko rin natutuklasan.

Ganoon din nga pala, nagising ako sa katotohanan na ang mga tao palang yaon ay huwad at siyang nagbigay sa akin ng aral ukol sa pakikitungo sa kapwa. Ang katotohanang iyon ang nagdulot sa akin ng tatag ng loob na pumila ng aking kakaibiganin.

Bakit ganyan ka, Munting Lamok? Kapag may ilaw ay aali-aligid lamang na parang nilalaro mo ako, ngunit kapag nasa kadiliman, nangangagat ka! Hindi ka marunong mamuhay ng hindi aasa sa iba. Bakit nga ba?

A, hindi bale na lamang. Kahit ka magkagayo'y nagpapasalamat pa rin ako. Ituturing pa rin kitang kaibigang nagmulat sa akin sa katotohanan.

Maraming salamat, Kaibigang Lamok. BITCH!

January 24, 2010

Time Passes By.

Naisip mo na bang napakabilis ng oras? O sadyang mabilis lang talaga itong wrist watch ko? Haha. Loko lang. Habang pinanunuod ko itong mga magagandang bituin na kumukuti-kutitap sa sangkalangitan may naalala ako. Napakasarap palang balikan ng kahapon. Mga oras na kumpleto ang pamilya. Mga panahon na masayang nagsasama-sama. Kung hindi lang sana kailangan ng pera sa buhay sana magkakasama kami ngayon. Masaya, nagkukulitan at nakikipagkwentuhan. Kung may time machine lang ako babalikan ko yung mga alaala na lahat kami ay masaya.
Kailangan ba talaga na malayo ang isa, dalawa, tatlo, o apat na miyembro ng pamilya? Kung kaya ko lang buhayin silang lahat ginawa ko na ngunit ako ay nasa mataas na paaralan pa lamang. Alam ko dadating din yung oras na magkakasama tayong lahat.

I miss you dad.
I miss you tita.
I miss you lolo.
I miss you lola.

January 20, 2010

EiNUBAH.


Ohpakyeeeeee.

Ako: Ano yan?

Pinsan: FLOOOOO!

Ako: tanginang yan. FLOOOO? as in capital F to the L with the triple OOOOOOOOOOO???

Pinsan: OO!

Ako: FLOOD yan hindi floooo. Read Carefully. F-L-O-O-D. Wag ignorante. Sulit yung katangahan. Haha!


Pinsan: Pakyu. Di ko napansin. Homayputacool!

Punyeta naiinip ako. Pwede bang pumatay ng guro na kamukha ni Obama? Nayurakan pagkatao ko dun ah! Wattapaking mofos!

Puro mura na lang nasabi ko sa putang post na ito ah. Naiinis lang po. Pasensya na.

January 14, 2010

Untitled

Habang paakyat ako sa escalator na kulay ginto minamasdan ko ang paligid. Paraiso nga. Ako lang mag-isa. Kawawa naman ako. Wala akong kasama. Nasaan na ba ako? Aray! Natalisod ako. Ito na pala yung hangganan nung magandang hagdanan na gumagalaw ng kusa. Naglakad pa ako ng kaunti hanggang makita ko yung matandang mama na mahaba ang balbas at parang dalawang ihi nalang ay matetepok na.

Mama: Bakit nandito ka? Ubo!Ubo.
Ako: Hindi ko po alam eh. Kayo po alam niyo po ba kung bakit nandito ako?
Mama: Panuorin mo ito.

Sabay abot nung DVD na blu-ray para malinaw naman daw yung kopya.

After 1 hour na panunuod.

Ah. Oo nga po pala. naalala ko na. Nasa bundok pa ako noon nagbabakasyon kasama ang aking kasintahan. Huling araw na nang aming bakasyon. Isang napakatahimik na gabi habang pareho kaming nakahiga sa damuhan at nakatingin sa mga tala.

Napakagaganda naman talagang pagmasdan ng mga bituin noh? Siya.

Kasing ganda at kasing liwanag mo. Ako.


Ano kamo?


Ah. Wala. Mukhang malayo ang iniisip mo ah. Hindi ka ba masaya sa bakasyon natin? May gusto ko bang sabihin? May gusto ka bang malaman? Sunod sunod na tanong ko.

Hindi ko alam paano sasabihin eh. Pero sana maintindihan mo. Magpapakalayo-layo na ako. Magsisimula ako muli ng bagong buhay ng hindi ka kasama.

P..p..pero bakit naman? Nagkulang ba ako? May hindi ba ako nabigay? Nangingilid na ang mga luha sa akin mga mata.

Hindi na kita mahal! Ayoko na sa'yo! Kasinungalingan lang ang lahat ng sinabi kong hindi kita iiwan!

Wala na ba akong magagawa? Tuluyan na akong napaiyak.

Hatid mo na ako sa amin. Bukas na ang flight ko papunta ng ibang bansa. Pinagbigyan lang kita para hindi masayang ang effort mo.

Nag-impake kami at sumakay sa aking kotse. Gusto kong magsisigaw at magwala ngunit hindi ko magawa. Tanging sakit sa aking puso ang aking nararamdaman. Parang binagsakan ako ng langit at lupa. Nagmamaneho ako pababa sa bundok at biglang.

(piiiit.piiiiiiiiiiiit)

-Ending

Mama: Nalinawan ka na?
Ako: Nasa langit po ba ako? Nasaan na ang aking kasintahan?
Mama: Tingnan mo ulit ito. Ubo!

Binuksan niya ang kanyang napakalaking laptop.

Ako: Wow. Hayop! Siya ba iyan? Ang likot naman ng cameraman mo!
Mama: Hindi yan camera man. Camerabird yan. IBON siya! May built-in webcam sa loob ng katawan. Oo siya nga yan.
Ako: Bakit inililibing siya? Namatay din ba sa aksidente?
Mama: Hindi aksidente ang ikinamatay niya. Ang napakalala niyang sakit na walang lunas at hindi pa napag aaralan ng siyensya. Nakaligtas siya ngunit pagkatapos ng ilang araw ay namatay din dahil sa kung anong anik anik na virus ang nagkalat sa katawan niya.

Hindi na ako nakapagsalita.

Mama: Aalis siya dahil ayaw niyang masaktan ka ng lubusan. Nagsinungaling siya noong sinabi niyang hindi ka niya mahal. Halos madurog ang puso niya noong sinasabi niya sayo ang mga katagang iyon.
Ako: Nasaan po siya ngayon?
Mama: Nandun sa impiyerno linalandi si Lucifer. Pokpok ang kasintahan mo. Inuulit ko POKPOK Isang bayarang babae. Hahahaha!

P.S. Isang binata ginahasa at monilestiya ng tatlong bakla. Dinig ko sa balita kanina. WTF!?

January 10, 2010

I Miss You:(


Kapag naririnig ko yung mga lirikong

"Just a fraction of your love fills the air,
And I
fall in love with you all over again. ooo.blah blah blah"

Bigla kong naaalala si babyko.

Kanta ito ni Justin Bieber na pinamagatang Common Denominator. Pakinggan ko daw ito sabi niya. Then magmula nung napakinggan ko siya. Download ko agad sa net. Nalulungkot ako kapag di ko siya kasama. Siyyiti! What is this!? Di ko maipaliwanag. Sandaling araw pa lang kami nagkahiwalay pero miss na miss ko na siya. Nangungulila ako. Gusto ko siyang marinig, makakulitan at mayakap.

Kailangan ba talagang magkalayo kami? Hindi ba pwedeng ifast forward nalang yung oras? Hindi ba pwedeng magtanan na lang? Oh Lord tulungan mo naman is me. Tuwing school days ko lang kasi siya nakakasama. Hindi pwedeng weekends kasi illegal pa ang pagmamahalan namin. For real and for sure papatayin ako ng daddy nya. Masyado pa daw kaming bata. Focus muna daw sa studies sabi ng parents niya. "Hell i care?". Wala naman pinipiling edad ang pag-ibig. Nasa tamang pag-iisip na kami. Alam na namin yung tama at mali. Mahal ko siya at mahal niya ako. May magagawa pa ba sila? WALA! Syempre kahit ganun pa man kaya ko siya ipaglaban kahit anong mangyare. Kahit maging kapalit pa ng buhay ko[DRAMA?].

Makikita ko din naman siya bukas.

January 8, 2010

Goodbye

"Sa panaginip laging ikaw ang iniisip. Sa tuwing maaalala ka puso ko'y naninikip. Dahil sa sakit ng iyong ginawa. Ito'y di na malimutan at ito'y nagmarka. Ilang beses na din akong nabigo. Ilang beses na puso ko'y nagdugo. Kailan ko kaya makikita ang babaeng habang buhay kong makakasama?"

Mga salitang nasambit ko habang ako'y nakadungaw sa bintana at patuloy sa paghithit-buga sa hawak kong sigarilyo. Ilang buwan na rin magmula noong iniwan ako ng aking kasintahan. Hanggang ngayon ay pinagluluksa ko pa rin ang nangyari sa aming relasyon.

"What i have done to deserve this?"

Lahat ng oras ko ibinigay ko sakanya. Halos di na ako kumain may maipang'date lang sa iyo. Pati ang kahuli-hulihang pera sa aking bulsa ay ginamit ko upang maibigay ko lang ang luho mo. Minahal kita ng lubusan ngunit ano ang iyong isinukli? Ipinagpalit mo ako sa iyong dating kasintahan.

Ang sabi mo sa akin ay limot mo na siya ngunit nang balikan ka niya napatunayan mo ba? Tama nga ang hinala ko. Naging panakip butas ako at naging parang isang bola na ipinaikot-ikot mo sa iyong palad. Naging sunud-sunuran ako. Halos isumpa kita dahil sa sakit na ibinigay mo. Pinagsilbihan kita. Kinalimutan ko ang lahat para lamang sa'yo.

Naalala mo pa ba noong araw na nagkabalikan kayo ng ex mo? Nasa parke kayo nun habang ako ay nagmamasid. Dinig na dinig ko ang inyong usapan.

"Mahal pa rin kita. Kung maibabalik ko lang ang dati gagawin ko. Sana mapasakin ka muli pero alam kong huli na ang lahat. May bago ka na." Ang sabi niya sayo.

"Ginamit ko lang siya para makalimot magmula nung iniwan mo ako. Iiwan ko siya para sa'yo" Sabi mo.

"Masasaktan siya. Ayokong makasira ng relasyon."

"Hindi ko siya mahal. Ikaw ang tunay kong mahal"

Hindi ko na narinig ang mga susunod ninyong pinag-usapan. Nabingi at halos sumabog ang aking puso sa narinig kong usapan ninyo. Habang papalayo ako sa inyo ay patuloy ang pagbuhos ng luha sa aking mga mata. Katapusan na ng mundo ito para sa akin. Nang makarating ako sa bahay ay tinawagan kita.

"Hello?" habang patuloy ako sa paghikbi.

"Oh! Napatawag ka lab?"

"LAB!!!? May gusto kang sabihin di ba? Sabihin mo na dalian mo!"

"Ako? Wala noh! Anu bang nangyayari sa iyo? Naguguluhan ako"

"Wag mo nang ikaila. Nakita ko at narinig ko ang usapan ninyo ng dati mong karelasyon"

"Saan? Kailan? Nandito lang ako sa bahay magmula kanina"

"WAG KA NANG MAGSINUNGALING!"

"Ok fine! Sasabihin ko na. Let's just break up. Narinig mo na ang lahat. Mahal ko siya" Walang takot mong ipinagtapat sa akin.

*toot* *toot*

Ibinaba ko na lamang ang telepono. Tama na ang aking narinig. Ayoko nang makarinig pa ng kahit anong salita magmumula sakanya. From that very moment parang binagsakan ako ng langit at lupa. Parang batang inagawan ng mamahaling bisikleta. Kulang na kulang ang mga luhang pumapatak mula sa aking mata para maibsan ang sakit at kalungkutan na nararamdaman ko ngayon.

Ito na ang pinakahuling parte ng aking sulat. Sana po ay mabasa ninyo. Paalam sa mundo at sa inyong lahat.

Nagmamahal,
Bigas, Karne, Gasolina at mga Gulay.
Berto.

P.S. It really hurts Ate Charo. You know. Vit water.

"Cut! Good take. Pack up na tayo."

December 30, 2009

A Special World

Free Image Hosting at www.ImageShack.us
For you babyko:)

December 28, 2009

Broken ba?

Napakahirap pala talaga ng iniwan ng minamahal. Base to my last post. Hell Yeah! Same person. Nakakaranas siya ngayon ng napakatinding hirap at sakit. "Its time to move on" sabi nya. [TANGENANG giliw. english yun] nanghihingi siya ng tips panu daw magmub on. Aba! Sakin ba naman nanghingi ng tips eh pareho lang kaming tanga sa pag-ibig. Parehong nagmamahal ng sobra. Heto nga ang mga sinabi ko sakanya.
  1. 1.Gawing busy ang sarili.
  2. 2.Itapon o sunugin ang mga bagay na makakapagpaalala sakanya.
  3. 3.Get A Life.
  4. 4.Maghanap ng mga bagay o gawain na makakapagpasaya sayo. Tulad ng mga sumusunod.
    A.Magblog. Haha!
    B.Magfocus sa maraming bagay maliban sakanya.
    C.Magonline games.
    D.Magpalibot libot sa internet.
    E.Lumabas ng bahay. Wag magkulong. Explore.
    F.Sumayaw ng careless whisper.
    G.Libre moko sa Mcdo. Haha!
    H.FUCK A DOG
  5. 5.Wag mong isipin na katapusan na ng mundo. Sa 2012 pa yun. Haha!
  6. 6.Panahon lamang ang makakapaghilom sa sugat na gawa ng pag-ibig. Hindi totoo yung maghanap kaagad ng bago. Hindi love yun. Panakip butas tawag dun.
  7. 7.Pag nakasalubong mo siya wag mong isnabin. Smile lang kung di siya nagresponse murahin mo.

Pagpatuloy lang ang mga ginagawa. Lilipas at lilipas din yan. Walang permanenteng bagay dito sa mundo tandaan mo yan. Take note "WALANG PERMANENTENG BAGAY DITO SA MUNDO". Yan ang paniniwala ko eh. Wag ka na kumontra. Isa lang ang permanente. Ang pagmamahalan namin ng baby ko. Haha! I Love You Maria Theresa. Ops! Naligaw.

December 27, 2009

Drama?

Haaay! Pag-ibig wer na u? Bakit bigla yatang naglaho. Nasaan na yung matatamis na pangako? Nasaan na yung mga pangarap na sabay nating binuo sa ilalim ng madilim na kalangitan? Saan ba ako nagkulang? Saan ba nagkamali? Ang pag-ibig mo sa akin ay bigla mo nalang binawi. Binigay ko ang lahat. Minahal ka ng tapat. Pag-ibig ko sayo sagad mula balat hanggang ugat. Alam ko minsan may nagkakamali ako. Hindi naman tayo perpekto pero sana naman naging fair ka sa akin. Buong oras at buhay ko binigay ko sa'yo. Hindi pa ba sapat yun?

Kulang pa ba? Ano pa ba ang dapat kong gawin? Kapag kailangan mo ako lagi akong nandiyan. Kapag kailangan mo ng tulong lagi akong nandiyan. Nung mga oras na kailangan ba kita nandiyan ka? Nadamayan mo ba ako? Oo, magkalayo nga tayo. Kung gugustuhin mo naman makakagawa ka naman ng paraan eh. Sana sa paglayo mo lagi mong tatandaan na hindi ka nawala sa puso ko. Sobrang masakit pero sana kakayanin ko. Naging masaya ako nung mga oras na magkasama tayo. Nasaktan din naman sa mga bagay na hindi mo alam na nakakasakit na.

Akala ko dati wala ng katapusan yung pagmamahalan natin. Hanggang akala lang pala. Heto ako ngayon. Nalulungkot, nangungulila at nag-iisa. Hindi sapat yung luha na lumalabas sa aking mga mata para maibsan yung kalungkutan na nararamdaman ko ngayon. Katapusan na ba ito ng aking mundo? Alam ko makakahanap ka pa ng mas hihigit pa sa akin. Dati ikaw pa nga nagsabi "Walang iwanan noh?".

Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Gusto kong maglasing. Gusto kong MAGPAKAMATAY. Pero naisip ko "Para saan pa?". Hindi ka naman maibabalik ng mga to. WHAT THE FUCK!? Makapagpapatuloy pa ba ako? Hindi na ako sanay ng wala ka. Sa mga oras na nawala ka sa buhay ko hindi na ulit nasilayan yung mga masasayang ngiti sa aking mga labi. Ngayon ay napuno na ng kalungkutan. Mga mata ng halos matuyo na sa kakaiyak. Napakahirap ng wala ka. Tanging natitira na lang sa akin ay yung mga alaala na magkasama tayo at nagtatawanan. Hindi mapapantayan yung kasiyahan na yun. Napakasakit ng pagkawala mo.

Hinding-hindi ka mawawala dito sa puso ko. Minahal kita ng lubusan. Sobrang nalulunod na ako sa kakaiyak gabi-gabi. Its over now. Mahal na mahal na mahal pa din kita. Hinding hindi nagbabago yun.

Wala lang. Para lang may maipost. Joke. Para ito sa aking kaibigan. Broken siya ngayon eh.

December 25, 2009

Usapan ni Me at ni Myself

Me: Hello:)

Myself: Kitty.

Me: Fuck YOU!! haha. Mustasa ang pasko?

Myself: Heto. Masaya naman. Nakipagkita sakin yung baby ko. Haha! Inggit ka noh?

Me: Utot mo. Ako kaya ikaw. Bakit naman ako maiinggit? Kasama din kita kanina ah.

Myself: Ay oo nga pla. Memory gap na to. Sorry! Wala na bang sorry? Haha!

Me: Wala na. Naubos na kanina. Hintay mo nagpadeliver lang ako.

Myself: K!

Me: Hindi ka na daw honest sa gf mo? Nagsisinungaling ka na daw sakanya.

Myself: San mo nasagap yan? Anung chismis nanaman yan?

Me: Basta!! Sagutin mo na lang ok?

Myself: Honest ako sakanya, loyal na loyal pa.

Me: Hindi mo daw sinabi sakanya yung lakad niyo ni Kenneth eh.

Myself: Sasabihin ko naman dapat sakanya kaso hindi pa sure yun kaya hindi ko pa agad sinabe.

Me: So, Hindi lang kayo nagkaintindihan ganon?

Myself: Natumbok mo! Katakot nga. Baka mawalan siya ng tiwala sakin.

Me: Huh? Your mistake. Ano balak mo sa mga susunod na araw?

Myself: Tulad ng nakagawian. Kumain, matulog, magtext.

Me: Hindi kayo magkikita?
Myself: Ewan ko lang. Sana nga before 2010 makita ko siya. Ikaw anung balak mo?

Me: Tulad ng balak mo ay balak ko din.

Myself: Eh bakit hindi ko pa natutulog?

Me: TANGA! Ayaw mo ako patulugin eh.

Myself: Ay! Pasensya naman.

Me: Pakamatay ka na kaya?

Myself: Sige wait lang.. .. .. .. Yan! Patay nako.

Me: Condolence:)


Nainip lang po ako. Wala kasi akong magawa eh. Matutulog na ako. Good Night everyone. Merry Christmas:)

December 19, 2009

A Love Letter.



Mabuhay!

Kumusta ka na, Mahal? Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam kong mabagal ka ring magbasa. Nandito na ko sa Estados Unidos. Pero hindi ko pa maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira ang address para daw hindi na sila magpalit ng address.

Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulan sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw noong pangalawa.

Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nun nabili ko na shampoo dahil ayaw bumula. Nakasulat kasi “FOR DRY HAIR” kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa Walmart at magrereklamo ako.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ng padlock. Nakasulat kasi ay “YALE”, eh aba namalat na ako sa kasisigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng bahay, akala nila hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng “YALE”, wise yata ito!

Mahal, mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa “Federal Express” medyo mahal daw dahil mabigat ang mga butones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga butones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating diyan.

Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto ko na maging anonymous donor. Nakakahiya naman kung ipagkakalat ko pa.

May trabaho na pala ako, mayroon akong 500 na tao sa ilalim ko. Ansakit pala mag gupit ng damo sa memorial park, okey naman ang kita above minimum ang sahod.

Nakapanganak na rin pala ang ate ko, hindi ko pa alam kung babae o lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung ikaw ay bagong uncle or auntie. Pa-loadan mo pala ako kay Aling Suping dun sa Touch Mobile ko na SIM para 15Pesos lang ang 15 minutes. Tatawagan kita. Wala na akong masyadong kwento. Sumulat ka na lang ng madalas. Wag mo ako masyadong isipin dahil baka madapa ko.

Miss na jud kita.

P.S. Papadalhan sana kita ng dollar, kaya lang ay naisara ko na ang envelope. Next time na lang ha..



November 18, 2009

A Letter To My Beybe:)

Dear Beybe Ko,

Hindi ko alam kung paano uumpisahan pero heto na. Nagpapasalamat ako ng napakalaki dahil kahit na kung anu-ano na yung nasasabi ko sayo hindi mo pa din kayang magalit ng sobra. Pasensya na beybe. Napakalaking pagbabago ang nangyari sa akin magmula nung dumating ka. Hindi na ako nagcacutting class, natuto na ako magbasa at magsulat, hindi na blanko yung notebook ko, natuto na ako magreview, natuto na din ako humawak ng scientific calculator, hindi na ako naging pabaya, naging responsable, natutong mag-ayos ng sarili, natutong magtext, at higit sa lahat... NATUTO AKO MAGMAHAL NG LUBUSAN.

Napakaraming kasalanan na ang nagagawa ko sa iyo pero napapatawad mo pa din ako. Pasensya na kung minsan pasaway ako. Hindi ko lang alam kung bakit sa sobrang daming lalake na naghahabol sayo ako pa din ang napili mo. Thankful na din ako kasi sa akin ka napunta.


Habang isinusulat ko ito naalala ko yung una tayong nagkakilala sa Yahoo Messenger. Dinadramahan kita noon dahil dun kay Danica BADWORD!. Alam ko tinatawanan mo na ako nun tapos nagkalakas na ako ng loob na magtapat ng totoong nararamdaman ko para sa'yo. Naalala ko din nung araw na sinagot mo na ako. Speechless ako nun kasi sobrang masaya ako. Hindi maipaliwanag na saya. September 18, 2009. Friday. Exactly 6:48PM . Galing ko no? Haha. Mabilib ka nalang.

I love you. I love every little thing about you. I love your cute smile, your magical eyes, and the sound of your voice. I love your gentle touch, and I love the warmth I feel when I’m by your side. I can't stop thinking about you when we are apart. I need you by my side. You complete me. You mean the world to me. You are the best thing that has ever happened to me. You are the one I've always wished for. I never thought that I would ever meet someone as special as you. I love each and every moment I share with you. You're the only one that I want.

You have the greatest soul, the noblest nature, the sweetest, most loving heart I have ever known, and my love and admiration for you have increased so much since we’ve known each other that it still amazes me.

When I am with you, I feel alive. You bring to me a happiness that no one else ever could. You bring to me a love I have never known before. I could not imagine what my life would be like without you. You have touched my heart in ways no one could ever comprehend. I love being with you and I want to spend the rest of my life with you.

Every day I wake up thanking God for you. You have given me so much, and I don't know if I will be able to give back all that you have given me. You have been my guiding light when I was lost. You have been my comforter through all my trials and sorrow.

Sometimes I feel lost and out of touch, but when you’re there, I feel safe. Your voice soothes me. I could sit here and try to tell you just how I feel, but I can't find the words other than I am ecstatic we met and have gotten together after all we've gone through.

I want to tell you that the love I have for you is undying. It is a love that is strong and enduring and will stand the test of time. I truly feel blessed that you have become a part of my life, and I cannot wait for the day that we can join our lives together. I want to lie next to you at night and fall asleep in your arms. I want to wake to your beautiful smile. I want to share in your joys and sorrows. You are everything to me.

I promise to always love you and always hold you in my heart. I will always be here for you when you need me, and I will love you no matter what life brings us. You are my soul mate, and I vow to love you all eternity. I love you, beybe.

You are like the best poetry ever composed, the best song ever played, the best picture ever painted. I never thought that someone like me could get so lucky!

Happy 2nd Monthsary beybe ko.

Bawal maglagay ng picture nya dito. Nakakainlab kasi talaga siya. Kaya pangalan nalang.

I Love You So Much Maria Theresa Magtoto

November 16, 2009

Sms Jokes[Pulot lang]

Aling Dionisia: Gusto ko pag nagka-anak kayo ni jinky ulit, di lang pangalan nyo pagsasamahin. Dapat kasali din pangalan ko.

Manny: Oo naman nay, kasu midyu maherap yata yun.

Aling Dionisia: Hindi ah, may naesep na nga aku eh.

Manny: Talaga nay! Anu?

Aling Dionisia: DIOMANJI


---------------------------------

Kung gagawa ka ng isang bagay na di pa naiimnento, ano yun?

Ako?

Gagawa ako ng...

REDHORSE CAPSULE 500 Mg.
Isang tableta lang SAPUL AGAD!


REDHORSE Litro Pack
Natitimplang REDHORSE!


REDHORSE CANDY
Para pwede sa kahit may pasok sa Skul at sa Work.


Also Available:

REDHORSE SYRUP
For BABY'S 12 Months and Below

E2 ang TAMA!

------------------------------------------


Mag-Amo

Maid : Sir pag nalaman ni mam, patay tayo!

Sir : Bakit, magsusumbong ka ba?

Maid : Hindi po.
















Sir : Eh hindi naman pala eh, bilis i-make up mo na ako.
Yung Bitch tingnan hah!


----------------------------------


Lasing o hindi?
MRS : Bakit ngayon ka lang?

MR : Pasensha na, nagyaya mga officemates ko, nagkainuman lang. Hehe! Hik,

MRS: Lasing ka no?

MR: Ako, lashing? Hindi! Hik

MRS: Anong hindi?! La ka namang trabaho, pano ka nagka-officemates?

----------------------------------


regla
mag syota may sakit si babae kailangan nya ng dugo.
lalaki. ok honey mag dodonate ako sau ng dugo dahil mahal kita..
Makalipas ang isang buwan nag hiwalay ang dalawa
lalaki. ala kang utang na loob pagkatapos kung bigyan ka ng dugo iiwanan m rin pla ako.
babae. kinuha ni babae ang napkin na may dugo sabay sampal wag kang mag alala e2 babayaran kita buwan buwan!

-----------------------------------


Bigatin
Sa Isang BAR

Customer: Miss magkano ba yung serbisyo mo?

Hostess: 500 sa Hotel, 300 sa Kama, 200 sa Sofa at 100 sa Damuhan.

Customer: Sige yung 500 nalang!

Hostess: Wow Bigatin, 500 sa Hotel?

Customer: Hindi, Limang Beses sa Damuhan

----------------------------------


Angal
Misis: Darling, wala ka bang napapansin sa akin?

Mister: Ano ‘yun?

Misis: Salatin mo, wala na akong panty. Hi! Hi! Hi!

Mister: Hayan… hayan ang ginawa mo. Tapos, angal ka nang angal pag kinakabag


------------------------------------

Lolo : Apo, ako ngay paki buhat mo.

Apo : Bakit po Lolo? Magbabanyo po ba kayo..

Lolo : Hindi, paki buhat mo ko at ipatong mo ako sa Lola mo, at iiskor lang ako!...

------------------------------------

Tatlong Dracula sa restaurant....

Sosyal na Dracula: Ah.. waiter ... 1 fresh blood on the rocks plese...

Waiter: 1 fresh blood on the rocks.. coming up sir...

Middle class Dracula: Ah... waiter... pa-order naman ng 1 dinuguan w/ puto...

Waiter: 1 dinuguan w/ puto... coming up sir...

Squatter na Dracula: WAITER!!! bigyan mo ko ng 1 tasang maiinit na tubig... BILISAN MO!!!

Waiter: (nagtataka)... 1 tasang maiinit na tubig... coming up sir...

Waiter: Sir eto na po ang 1 tasang maiinit na tubig....

Squatter na Dracula: (biglang naglabas ng NAPKIN).... MAG TSA-TSAA lang ako...

----------------------------------

Sinoli ni Erap ang libro sa library.
ERAP: sobrang dami ng characters wala naman storya.
LIBRARIAN: kayo pala kumuha ng telephone directory namin

Rebelde

Kringg..
Krinngg..
Kringg....

Isang nakakarinding ringtone galing sa cellphone ko. Tawag mula kay Rey(hindi niya totoong pangalan)

[Pagpindot sa Answer Key]

Ako: Paps ano meron? Bakit napatawag ka?

Rey:[malungkot na boses]P..p..pre...

Ako: Ano!!? Tangna solid. Magsalita ka naman. Anung nangyare?

Rey: Binugbog ako ng tatay ko. Naglayas ako sa bahay. Wala akong mapuntahan. Pwede bang makituloy muna sa bahay nyo? Ayus lang kahit hindi pwede. Mai......

[Sumabat ako kaagad bago pa ituloy ang kanyang sasabihin]

Ako: Oo cge. Putakte. Kelan pa ba kita tinanggihan? Basta hindi ka magtatagal dito. Nahihiya din ako ke mama eh.

Rey: Cge pre. Maasahan ka talaga. Salamat Salamat. Napakalaki na ng utang na loob ko sayo. aylabyu pare.

Ako: Pakingshet ka. Bakla ka ba?Hahaha. Sige katok ka nalang sa amin.

Tooot.Tooot.Tooot.

Puta pinatay niya.

[After 2 hours]

Tok.Tok.Tok

[Malakas na katok galing sa pintuan]

"Punyeta sino ba yan?" wika ko.

Rey: Ako to pre.

Ako: Waaaaa! watdamaderpaker? Mukha kang kamote na hindi nabalatan paps. Kulay violet ka oh. Hahahaha.

Rey: Mang-aasar ka pa eh.

Ako: Pasok ka.

[Naglalakad papunta sa kwarto ko]

Ako: Ano ba kasi talagang nangyari hah!?


Rey: Nag-away lang kami ni papa. Kaunting pagkakamali lang nagwawala na siya. Hindi naman malaking kasalanan yung nakipagaway ako sa eskwelahan di ba? Hindi ko naman kasalanan eh. Pinagtanggol ko lang naman sarili ko. Ako kilala mo naman. Hindi ako lumalaban kapag alam kong pagkakamali ko. Pero sinapok ako bigla sa harapan ng syota ko. Gumanti lang naman ako.

Ako: Kuha lang ako maiinom.[Pagpuputol ko sa kwento niya]

[Bumalik ako na may dalang dalawang bote ng alak]

Ako: Oh heto. Pakalmahin mo muna yang sarili mo.

Rey: [uminom ng bahagya habang tumutulo ang luha sa mga mata] Pre kilala mo naman si papa. Gusto niya disiplinado. Gusto niya laging perpekto yung galaw ko. Hindi naman ako sundalo para ganunin niya. Wala naman taong perpekto eh. Nagkakamali din naman tayong lahat. Sinagot ko siya kanina. "Pa hindi ka ba nakokonsensya sa mga ginagawa mo sa akin? Konting pagkakamali lang kung anu-anong pagtoture yung ginagawa mo"

Ako: Ay. Punyeta di ka na nasanay sa erpat mo. Mainitin talaga ulo nun hindi ba? Porke sundalo siya gusto niya kaugali mo din siya. Anung klaseng tatay siya? Hindi ka man nga lang pinapayagan lumabas ng bahay kahit weekends. Tinatanggalan ka niya ng kalayaan. May karapatan ka naman para lumigaya.

Rey: Oo nga. Pare sawang-sawa na ako. Anung klaseng buhay to? Ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko. Lahat ng utos nila sinusunod ko. Hindi ako nakakakuha ng mababang grades sa school. Umuuwi ako ng maaga. Hindi ako naglalakwatsa. Buti ka pa kahit na madaling araw ka na umuwi sa bahay ayos lang.

Ako: Pag pinayagan ka na din umuwi ng madaling araw magsasawa at magsasawa ka na din. Walang kabuluhan lahat nung mga ginagawa kong pagpupuyat at pagtatambay kaya tinigilan ko na. Napagisip kong hindi ako aasenso sa ganung paraan. Marami ako gustong gawin sa buhay. Gusto ko maabot lahat ng pangarap ko. Kaya heto nagsusumikap.

Rey: Salamat pre lagi kang nandyan para sakin.

Ako: Sus. Puke ka. Wala yun. Napakalaki din naman ng utang na loob ko sayo.

Nangyari ito last 2007.


“Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya,
palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may
pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde.
Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng
buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng
walang napatunayan at bait sa sarili.”


--Master Bob Ong

November 10, 2009

Emo

Ang talakayan natin ngayon ay tungkol sa sarili kong pananaw tungkol sa EMO.

Emo - isang uri ng hardcore punk na naglalarawan ng pag-iibang anyo ng musika sa mga pangkaraniwang ugat.

Ito ay uri ng musika.Pero para sa nakararami ang ibig sabihin ng emo ay ang panlabas na anyo. One sided bangs, studded belt, tight shirts and jeans at ang pinakamasaklap ay ang maiitim na NAILS. Nakikiramay po ako sa mga patay ninyong kuko. Haha:)

Ito pa ang sumisira sa napakalaking larangan ng musika. Ang mga POSERS. Nakikiporma lang. One time may nakasakay ako sa jeep mukhang emo tlga. Tapos alam niyo ba kung anung pinaptugtog niya gamit ang kaniyang cellphone? Upuan - Gloc-9 ft. Jeazell Grutas of Zelle. LOL. Halos malaglag ako sa kinauupuan ko.

"YOU ROCK PARE" sabi ng kasama ko. Hahaha. Tawa kame ng tawa. Hindi naman masama yung nakikiuso pero pinakamasama yung pagiging posero. At heto pa. May classmate ako dati nung 2nd year highschool ako. Emo na emo siya. Sa pananamit, ugali at kilos. Isang araw ng klase nandoon siya sa sulok. Mukhang napakabigat nung pinapakinggan niya sa earphones niya. Paheadbang headbang pa kasi siya. Puki ng amahing kalabaw. Nashock ako nung pinadinig niya sa akin yung pinapakinggan niya. Ang Huling El Bimbo - Eraserheads. Hahaha.

May isa pang katanungan ang bumabagabag sa akin munting kaisipan. Bakit sila naglalaslas? Base sa aking mga impormasyong nakalap sa iba't ibang lupalop ng daigdig. Naglalaslas daw sila dahil subalit sapagkat datapwat upang mapagtakpan daw yung sakit na nararamdaman nila sa puso. Heartbroken daw. Haha. Mas mabuti na daw yung nakikita nila dumudugo yung kamay nila dahil sa sugat na ginawa nila kesa tiisin nalang yung sugat na gawa ng pag-ibig.

Inaamin ko. I'm a big fan of rock music. Black metal, death metal, doom metal, drone metal, folk metal, glam metal, gothic metal, industrial metal, metalcore, Nu-metal, Post-metal, progressive metal at marami pang iba.

Kakaibang ligaya talaga ang hatid ng pakikinig ko ng mabibigat na musika. Kung sa mga party animals ay napapaindayog sila sa musika na kanilang naririnig. Ako naman ay napapaheadbang to the max kapag naririnig ko ang mga paburito kong rock music. Ito ang mga halimbawa ng mga bandang patuloy kong iniidolo.

SixCylclemind
Hale
Cueshe

Hahahahaha. LOL. Biro lang. Eto talaga sila

Bring Me The Horizon
Greyhoundz
Valley Of Chrome
Intolerant
Bless The Fall
Bless The Fallen
Killswitch Engage
Escape The Fate
From Behind These Walls
Within Temptation
Slipknot
Murderdolls
Mudvayne
Six Feet Under
Daath
Cannibal Corpse
Napalm Death
Deathrow
Sodom
Gorgoroth
etc.etc.

Ilan lang yan sa mga bandang aking kinahuhumalingan. Parang nabubuhayan ako kapag nakakarinig ako ng mga kanta nila:)

P.S: Mamatay na lahat ng POSERO.