December 30, 2009

A Special World

Free Image Hosting at www.ImageShack.us
For you babyko:)

December 28, 2009

Broken ba?

Napakahirap pala talaga ng iniwan ng minamahal. Base to my last post. Hell Yeah! Same person. Nakakaranas siya ngayon ng napakatinding hirap at sakit. "Its time to move on" sabi nya. [TANGENANG giliw. english yun] nanghihingi siya ng tips panu daw magmub on. Aba! Sakin ba naman nanghingi ng tips eh pareho lang kaming tanga sa pag-ibig. Parehong nagmamahal ng sobra. Heto nga ang mga sinabi ko sakanya.
  1. 1.Gawing busy ang sarili.
  2. 2.Itapon o sunugin ang mga bagay na makakapagpaalala sakanya.
  3. 3.Get A Life.
  4. 4.Maghanap ng mga bagay o gawain na makakapagpasaya sayo. Tulad ng mga sumusunod.
    A.Magblog. Haha!
    B.Magfocus sa maraming bagay maliban sakanya.
    C.Magonline games.
    D.Magpalibot libot sa internet.
    E.Lumabas ng bahay. Wag magkulong. Explore.
    F.Sumayaw ng careless whisper.
    G.Libre moko sa Mcdo. Haha!
    H.FUCK A DOG
  5. 5.Wag mong isipin na katapusan na ng mundo. Sa 2012 pa yun. Haha!
  6. 6.Panahon lamang ang makakapaghilom sa sugat na gawa ng pag-ibig. Hindi totoo yung maghanap kaagad ng bago. Hindi love yun. Panakip butas tawag dun.
  7. 7.Pag nakasalubong mo siya wag mong isnabin. Smile lang kung di siya nagresponse murahin mo.

Pagpatuloy lang ang mga ginagawa. Lilipas at lilipas din yan. Walang permanenteng bagay dito sa mundo tandaan mo yan. Take note "WALANG PERMANENTENG BAGAY DITO SA MUNDO". Yan ang paniniwala ko eh. Wag ka na kumontra. Isa lang ang permanente. Ang pagmamahalan namin ng baby ko. Haha! I Love You Maria Theresa. Ops! Naligaw.

December 27, 2009

Drama?

Haaay! Pag-ibig wer na u? Bakit bigla yatang naglaho. Nasaan na yung matatamis na pangako? Nasaan na yung mga pangarap na sabay nating binuo sa ilalim ng madilim na kalangitan? Saan ba ako nagkulang? Saan ba nagkamali? Ang pag-ibig mo sa akin ay bigla mo nalang binawi. Binigay ko ang lahat. Minahal ka ng tapat. Pag-ibig ko sayo sagad mula balat hanggang ugat. Alam ko minsan may nagkakamali ako. Hindi naman tayo perpekto pero sana naman naging fair ka sa akin. Buong oras at buhay ko binigay ko sa'yo. Hindi pa ba sapat yun?

Kulang pa ba? Ano pa ba ang dapat kong gawin? Kapag kailangan mo ako lagi akong nandiyan. Kapag kailangan mo ng tulong lagi akong nandiyan. Nung mga oras na kailangan ba kita nandiyan ka? Nadamayan mo ba ako? Oo, magkalayo nga tayo. Kung gugustuhin mo naman makakagawa ka naman ng paraan eh. Sana sa paglayo mo lagi mong tatandaan na hindi ka nawala sa puso ko. Sobrang masakit pero sana kakayanin ko. Naging masaya ako nung mga oras na magkasama tayo. Nasaktan din naman sa mga bagay na hindi mo alam na nakakasakit na.

Akala ko dati wala ng katapusan yung pagmamahalan natin. Hanggang akala lang pala. Heto ako ngayon. Nalulungkot, nangungulila at nag-iisa. Hindi sapat yung luha na lumalabas sa aking mga mata para maibsan yung kalungkutan na nararamdaman ko ngayon. Katapusan na ba ito ng aking mundo? Alam ko makakahanap ka pa ng mas hihigit pa sa akin. Dati ikaw pa nga nagsabi "Walang iwanan noh?".

Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. Gusto kong maglasing. Gusto kong MAGPAKAMATAY. Pero naisip ko "Para saan pa?". Hindi ka naman maibabalik ng mga to. WHAT THE FUCK!? Makapagpapatuloy pa ba ako? Hindi na ako sanay ng wala ka. Sa mga oras na nawala ka sa buhay ko hindi na ulit nasilayan yung mga masasayang ngiti sa aking mga labi. Ngayon ay napuno na ng kalungkutan. Mga mata ng halos matuyo na sa kakaiyak. Napakahirap ng wala ka. Tanging natitira na lang sa akin ay yung mga alaala na magkasama tayo at nagtatawanan. Hindi mapapantayan yung kasiyahan na yun. Napakasakit ng pagkawala mo.

Hinding-hindi ka mawawala dito sa puso ko. Minahal kita ng lubusan. Sobrang nalulunod na ako sa kakaiyak gabi-gabi. Its over now. Mahal na mahal na mahal pa din kita. Hinding hindi nagbabago yun.

Wala lang. Para lang may maipost. Joke. Para ito sa aking kaibigan. Broken siya ngayon eh.

December 25, 2009

Usapan ni Me at ni Myself

Me: Hello:)

Myself: Kitty.

Me: Fuck YOU!! haha. Mustasa ang pasko?

Myself: Heto. Masaya naman. Nakipagkita sakin yung baby ko. Haha! Inggit ka noh?

Me: Utot mo. Ako kaya ikaw. Bakit naman ako maiinggit? Kasama din kita kanina ah.

Myself: Ay oo nga pla. Memory gap na to. Sorry! Wala na bang sorry? Haha!

Me: Wala na. Naubos na kanina. Hintay mo nagpadeliver lang ako.

Myself: K!

Me: Hindi ka na daw honest sa gf mo? Nagsisinungaling ka na daw sakanya.

Myself: San mo nasagap yan? Anung chismis nanaman yan?

Me: Basta!! Sagutin mo na lang ok?

Myself: Honest ako sakanya, loyal na loyal pa.

Me: Hindi mo daw sinabi sakanya yung lakad niyo ni Kenneth eh.

Myself: Sasabihin ko naman dapat sakanya kaso hindi pa sure yun kaya hindi ko pa agad sinabe.

Me: So, Hindi lang kayo nagkaintindihan ganon?

Myself: Natumbok mo! Katakot nga. Baka mawalan siya ng tiwala sakin.

Me: Huh? Your mistake. Ano balak mo sa mga susunod na araw?

Myself: Tulad ng nakagawian. Kumain, matulog, magtext.

Me: Hindi kayo magkikita?
Myself: Ewan ko lang. Sana nga before 2010 makita ko siya. Ikaw anung balak mo?

Me: Tulad ng balak mo ay balak ko din.

Myself: Eh bakit hindi ko pa natutulog?

Me: TANGA! Ayaw mo ako patulugin eh.

Myself: Ay! Pasensya naman.

Me: Pakamatay ka na kaya?

Myself: Sige wait lang.. .. .. .. Yan! Patay nako.

Me: Condolence:)


Nainip lang po ako. Wala kasi akong magawa eh. Matutulog na ako. Good Night everyone. Merry Christmas:)

December 19, 2009

A Love Letter.



Mabuhay!

Kumusta ka na, Mahal? Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam kong mabagal ka ring magbasa. Nandito na ko sa Estados Unidos. Pero hindi ko pa maibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira ang address para daw hindi na sila magpalit ng address.

Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulan sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw noong pangalawa.

Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nun nabili ko na shampoo dahil ayaw bumula. Nakasulat kasi “FOR DRY HAIR” kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa Walmart at magrereklamo ako.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ng padlock. Nakasulat kasi ay “YALE”, eh aba namalat na ako sa kasisigaw ay hindi pa din bumubukas. Magrereklamo din ako sa nagbenta ng bahay, akala nila hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng “YALE”, wise yata ito!

Mahal, mayroon nga pala akong nabili na magandang jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa “Federal Express” medyo mahal daw dahil mabigat ang mga butones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga butones at inilagay ko na lang sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating diyan.

Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto ko na maging anonymous donor. Nakakahiya naman kung ipagkakalat ko pa.

May trabaho na pala ako, mayroon akong 500 na tao sa ilalim ko. Ansakit pala mag gupit ng damo sa memorial park, okey naman ang kita above minimum ang sahod.

Nakapanganak na rin pala ang ate ko, hindi ko pa alam kung babae o lalake kaya hindi ko pa masasabi na kung ikaw ay bagong uncle or auntie. Pa-loadan mo pala ako kay Aling Suping dun sa Touch Mobile ko na SIM para 15Pesos lang ang 15 minutes. Tatawagan kita. Wala na akong masyadong kwento. Sumulat ka na lang ng madalas. Wag mo ako masyadong isipin dahil baka madapa ko.

Miss na jud kita.

P.S. Papadalhan sana kita ng dollar, kaya lang ay naisara ko na ang envelope. Next time na lang ha..



December 18, 2009

A Letter To My Beybe:)

Dear Beybe Ko,

Heto nanaman ako. Oo. Same title pero hindi parehong post.

I am truly blessed that God has given me this day to write you something for our third monthsary together, together as a couple, willed by God. Limited man ang ways to express lahat ng love na gusto kong mafeel mo for this day, I know you are just a prayer away from me… But because I asked, I know it will be given to me. I pray by now, as you start reading this post, that you will be blessed to feel my embraces and kisses magkalayo man tayo sa isa’t isa. My love will surely reach you.

Tatlong buwan mo na ako napapasaya, napapakilig, at napapatawa. Akalain mo yun oh. Ang bilis nga naman ng panahon noh? Parang kelan lang hanggang panaginip lang kita pero ngayon nagkatotoo na. Kelan man ay hinding-hindi sumagi saking isipan na tumingin man sa iba. Yun ang hindi ko magagawa. Minsan alam ko nagkukulang ako. Minsan may mga oras na hindi tayo magkaintindihan ganun pa man eh napag-uusapan naman natin hindi ba? Nagbago ang takbo ng lahat magmula nung dumating ka. Hindi na ako lonely. Haha.

Beybe, thank you for loving me. sa lahat ng time mo kahit gano man tayo kabusy sa school, lagi man tayo nagkakatampuhan..pero I want you to know that I really appreciate all the time and effort na binibigay mo saken and for our relationship…sa mga Words na sineshare mo saken. Sa good intentions na nasa heart mo..sa mga prayers mo… Sa mga pag alala mo. Alam ko bago to sayu lahat, and I’m happy kasi I know you always try to make me happy.

I love you so much mhie! I really thank God for letting me love you and letting me be loved by you.

Godbless us asawako! May our relationship be used for His glory.

Happy 3rd Monthsary:)

November 23, 2009

Friend to Foe!

Sa buhay hindi talaga naiiwasan yung mga kontribida. Parang telenovela na inaabangan sa telebisyon at pinapanuod tuwing gabi. May kontrabida, may mga kakampi, may mga suliranin, at higit sa lahat may mga paepal.

Andyan yung mga insecure na walang magawa sa buhay kundi manira ng buhay ng iba. Haist! May mga sariling buhay naman sila. Pwede nila pakealaman. Pero bakit pati ang buhay ko? Sino ba sila? God ba sila? Diyos ba sila? o baka naman Bathala. Mas alam pa nila kesa sa akin. Kaibigan na itinuring na kakampi. Pagkatapos ay sisiraan na hindi ko alam kung saang lupalop ng daigdig niya napulot iyon. Nainggit siguro ang puta. Isa pa. Kaputa putahan ka ng punyetang motherfucker son of a damn bitch. Kung may galit ka sakin sabihin mo lang! Hindi yung kung ano yung pinagsasabi mo tungkol sakin. Alam ko babasahin mo ito. Lahat naman ng kaklase naten alam itong kuta ko eh. Blog na pinagbubuhusan ng napakatinding galit. Pagkatapos mong basahin ito kung gusto mo ako hamunin ng basagan ng bungo papayag ako. Wag mo lang idamay ang mahal ko. Siraan mo na ako wag lang siya. Patayan tayo kung gusto mo. Papayag naman ako. Wag kang titira ng talikuran. Hindi kita aatrasan. Tamaan kang punyeta ka. Lunukin mo lahat. Wag kang magmamakaawa sakin kapag nainis talaga ako sayo. Matagal na ako napupuno sayo. Aapaw na nga. Isa kang ahas. Pagakatapos mo ako pakinabangan at naging kaibigan ganyan pa igaganti. WALA KANG UTANG NA LOOB!!!

Makonsensya ka. Sabagay wala ka naman palang konsensya. Pero kung may natira pa man. Multuhin ka sana. Paano ka pa nakakatulog kapag gabi? Paano ka pa patuloy na nabubuhay? Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo? Nung mga oras na kailangan mo ako lagi akong nandyan para tulungan ka. Isusumbat ko lahat sa'yo. Tarantado ka. Kapag kailangan mo ng alak na igagasgas sa lalamunan mo pinupuntahan kita para lang hindi mo masabi na wala akong kwenta. Nakakainis ka. Swerte ka mabait akong tao. Inawat lang talaga ako. Napakatibay mo. Noong mga oras na down ako at kailangan ko ng kasama hindi kita naasahan. FUCK YOU! Mamatay ka na sana.

November 18, 2009

A Letter To My Beybe:)

Dear Beybe Ko,

Hindi ko alam kung paano uumpisahan pero heto na. Nagpapasalamat ako ng napakalaki dahil kahit na kung anu-ano na yung nasasabi ko sayo hindi mo pa din kayang magalit ng sobra. Pasensya na beybe. Napakalaking pagbabago ang nangyari sa akin magmula nung dumating ka. Hindi na ako nagcacutting class, natuto na ako magbasa at magsulat, hindi na blanko yung notebook ko, natuto na ako magreview, natuto na din ako humawak ng scientific calculator, hindi na ako naging pabaya, naging responsable, natutong mag-ayos ng sarili, natutong magtext, at higit sa lahat... NATUTO AKO MAGMAHAL NG LUBUSAN.

Napakaraming kasalanan na ang nagagawa ko sa iyo pero napapatawad mo pa din ako. Pasensya na kung minsan pasaway ako. Hindi ko lang alam kung bakit sa sobrang daming lalake na naghahabol sayo ako pa din ang napili mo. Thankful na din ako kasi sa akin ka napunta.


Habang isinusulat ko ito naalala ko yung una tayong nagkakilala sa Yahoo Messenger. Dinadramahan kita noon dahil dun kay Danica BADWORD!. Alam ko tinatawanan mo na ako nun tapos nagkalakas na ako ng loob na magtapat ng totoong nararamdaman ko para sa'yo. Naalala ko din nung araw na sinagot mo na ako. Speechless ako nun kasi sobrang masaya ako. Hindi maipaliwanag na saya. September 18, 2009. Friday. Exactly 6:48PM . Galing ko no? Haha. Mabilib ka nalang.

I love you. I love every little thing about you. I love your cute smile, your magical eyes, and the sound of your voice. I love your gentle touch, and I love the warmth I feel when I’m by your side. I can't stop thinking about you when we are apart. I need you by my side. You complete me. You mean the world to me. You are the best thing that has ever happened to me. You are the one I've always wished for. I never thought that I would ever meet someone as special as you. I love each and every moment I share with you. You're the only one that I want.

You have the greatest soul, the noblest nature, the sweetest, most loving heart I have ever known, and my love and admiration for you have increased so much since we’ve known each other that it still amazes me.

When I am with you, I feel alive. You bring to me a happiness that no one else ever could. You bring to me a love I have never known before. I could not imagine what my life would be like without you. You have touched my heart in ways no one could ever comprehend. I love being with you and I want to spend the rest of my life with you.

Every day I wake up thanking God for you. You have given me so much, and I don't know if I will be able to give back all that you have given me. You have been my guiding light when I was lost. You have been my comforter through all my trials and sorrow.

Sometimes I feel lost and out of touch, but when you’re there, I feel safe. Your voice soothes me. I could sit here and try to tell you just how I feel, but I can't find the words other than I am ecstatic we met and have gotten together after all we've gone through.

I want to tell you that the love I have for you is undying. It is a love that is strong and enduring and will stand the test of time. I truly feel blessed that you have become a part of my life, and I cannot wait for the day that we can join our lives together. I want to lie next to you at night and fall asleep in your arms. I want to wake to your beautiful smile. I want to share in your joys and sorrows. You are everything to me.

I promise to always love you and always hold you in my heart. I will always be here for you when you need me, and I will love you no matter what life brings us. You are my soul mate, and I vow to love you all eternity. I love you, beybe.

You are like the best poetry ever composed, the best song ever played, the best picture ever painted. I never thought that someone like me could get so lucky!

Happy 2nd Monthsary beybe ko.

Bawal maglagay ng picture nya dito. Nakakainlab kasi talaga siya. Kaya pangalan nalang.

I Love You So Much Maria Theresa Magtoto

November 16, 2009

Sms Jokes[Pulot lang]

Aling Dionisia: Gusto ko pag nagka-anak kayo ni jinky ulit, di lang pangalan nyo pagsasamahin. Dapat kasali din pangalan ko.

Manny: Oo naman nay, kasu midyu maherap yata yun.

Aling Dionisia: Hindi ah, may naesep na nga aku eh.

Manny: Talaga nay! Anu?

Aling Dionisia: DIOMANJI


---------------------------------

Kung gagawa ka ng isang bagay na di pa naiimnento, ano yun?

Ako?

Gagawa ako ng...

REDHORSE CAPSULE 500 Mg.
Isang tableta lang SAPUL AGAD!


REDHORSE Litro Pack
Natitimplang REDHORSE!


REDHORSE CANDY
Para pwede sa kahit may pasok sa Skul at sa Work.


Also Available:

REDHORSE SYRUP
For BABY'S 12 Months and Below

E2 ang TAMA!

------------------------------------------


Mag-Amo

Maid : Sir pag nalaman ni mam, patay tayo!

Sir : Bakit, magsusumbong ka ba?

Maid : Hindi po.
















Sir : Eh hindi naman pala eh, bilis i-make up mo na ako.
Yung Bitch tingnan hah!


----------------------------------


Lasing o hindi?
MRS : Bakit ngayon ka lang?

MR : Pasensha na, nagyaya mga officemates ko, nagkainuman lang. Hehe! Hik,

MRS: Lasing ka no?

MR: Ako, lashing? Hindi! Hik

MRS: Anong hindi?! La ka namang trabaho, pano ka nagka-officemates?

----------------------------------


regla
mag syota may sakit si babae kailangan nya ng dugo.
lalaki. ok honey mag dodonate ako sau ng dugo dahil mahal kita..
Makalipas ang isang buwan nag hiwalay ang dalawa
lalaki. ala kang utang na loob pagkatapos kung bigyan ka ng dugo iiwanan m rin pla ako.
babae. kinuha ni babae ang napkin na may dugo sabay sampal wag kang mag alala e2 babayaran kita buwan buwan!

-----------------------------------


Bigatin
Sa Isang BAR

Customer: Miss magkano ba yung serbisyo mo?

Hostess: 500 sa Hotel, 300 sa Kama, 200 sa Sofa at 100 sa Damuhan.

Customer: Sige yung 500 nalang!

Hostess: Wow Bigatin, 500 sa Hotel?

Customer: Hindi, Limang Beses sa Damuhan

----------------------------------


Angal
Misis: Darling, wala ka bang napapansin sa akin?

Mister: Ano ‘yun?

Misis: Salatin mo, wala na akong panty. Hi! Hi! Hi!

Mister: Hayan… hayan ang ginawa mo. Tapos, angal ka nang angal pag kinakabag


------------------------------------

Lolo : Apo, ako ngay paki buhat mo.

Apo : Bakit po Lolo? Magbabanyo po ba kayo..

Lolo : Hindi, paki buhat mo ko at ipatong mo ako sa Lola mo, at iiskor lang ako!...

------------------------------------

Tatlong Dracula sa restaurant....

Sosyal na Dracula: Ah.. waiter ... 1 fresh blood on the rocks plese...

Waiter: 1 fresh blood on the rocks.. coming up sir...

Middle class Dracula: Ah... waiter... pa-order naman ng 1 dinuguan w/ puto...

Waiter: 1 dinuguan w/ puto... coming up sir...

Squatter na Dracula: WAITER!!! bigyan mo ko ng 1 tasang maiinit na tubig... BILISAN MO!!!

Waiter: (nagtataka)... 1 tasang maiinit na tubig... coming up sir...

Waiter: Sir eto na po ang 1 tasang maiinit na tubig....

Squatter na Dracula: (biglang naglabas ng NAPKIN).... MAG TSA-TSAA lang ako...

----------------------------------

Sinoli ni Erap ang libro sa library.
ERAP: sobrang dami ng characters wala naman storya.
LIBRARIAN: kayo pala kumuha ng telephone directory namin

Rebelde

Kringg..
Krinngg..
Kringg....

Isang nakakarinding ringtone galing sa cellphone ko. Tawag mula kay Rey(hindi niya totoong pangalan)

[Pagpindot sa Answer Key]

Ako: Paps ano meron? Bakit napatawag ka?

Rey:[malungkot na boses]P..p..pre...

Ako: Ano!!? Tangna solid. Magsalita ka naman. Anung nangyare?

Rey: Binugbog ako ng tatay ko. Naglayas ako sa bahay. Wala akong mapuntahan. Pwede bang makituloy muna sa bahay nyo? Ayus lang kahit hindi pwede. Mai......

[Sumabat ako kaagad bago pa ituloy ang kanyang sasabihin]

Ako: Oo cge. Putakte. Kelan pa ba kita tinanggihan? Basta hindi ka magtatagal dito. Nahihiya din ako ke mama eh.

Rey: Cge pre. Maasahan ka talaga. Salamat Salamat. Napakalaki na ng utang na loob ko sayo. aylabyu pare.

Ako: Pakingshet ka. Bakla ka ba?Hahaha. Sige katok ka nalang sa amin.

Tooot.Tooot.Tooot.

Puta pinatay niya.

[After 2 hours]

Tok.Tok.Tok

[Malakas na katok galing sa pintuan]

"Punyeta sino ba yan?" wika ko.

Rey: Ako to pre.

Ako: Waaaaa! watdamaderpaker? Mukha kang kamote na hindi nabalatan paps. Kulay violet ka oh. Hahahaha.

Rey: Mang-aasar ka pa eh.

Ako: Pasok ka.

[Naglalakad papunta sa kwarto ko]

Ako: Ano ba kasi talagang nangyari hah!?


Rey: Nag-away lang kami ni papa. Kaunting pagkakamali lang nagwawala na siya. Hindi naman malaking kasalanan yung nakipagaway ako sa eskwelahan di ba? Hindi ko naman kasalanan eh. Pinagtanggol ko lang naman sarili ko. Ako kilala mo naman. Hindi ako lumalaban kapag alam kong pagkakamali ko. Pero sinapok ako bigla sa harapan ng syota ko. Gumanti lang naman ako.

Ako: Kuha lang ako maiinom.[Pagpuputol ko sa kwento niya]

[Bumalik ako na may dalang dalawang bote ng alak]

Ako: Oh heto. Pakalmahin mo muna yang sarili mo.

Rey: [uminom ng bahagya habang tumutulo ang luha sa mga mata] Pre kilala mo naman si papa. Gusto niya disiplinado. Gusto niya laging perpekto yung galaw ko. Hindi naman ako sundalo para ganunin niya. Wala naman taong perpekto eh. Nagkakamali din naman tayong lahat. Sinagot ko siya kanina. "Pa hindi ka ba nakokonsensya sa mga ginagawa mo sa akin? Konting pagkakamali lang kung anu-anong pagtoture yung ginagawa mo"

Ako: Ay. Punyeta di ka na nasanay sa erpat mo. Mainitin talaga ulo nun hindi ba? Porke sundalo siya gusto niya kaugali mo din siya. Anung klaseng tatay siya? Hindi ka man nga lang pinapayagan lumabas ng bahay kahit weekends. Tinatanggalan ka niya ng kalayaan. May karapatan ka naman para lumigaya.

Rey: Oo nga. Pare sawang-sawa na ako. Anung klaseng buhay to? Ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko. Lahat ng utos nila sinusunod ko. Hindi ako nakakakuha ng mababang grades sa school. Umuuwi ako ng maaga. Hindi ako naglalakwatsa. Buti ka pa kahit na madaling araw ka na umuwi sa bahay ayos lang.

Ako: Pag pinayagan ka na din umuwi ng madaling araw magsasawa at magsasawa ka na din. Walang kabuluhan lahat nung mga ginagawa kong pagpupuyat at pagtatambay kaya tinigilan ko na. Napagisip kong hindi ako aasenso sa ganung paraan. Marami ako gustong gawin sa buhay. Gusto ko maabot lahat ng pangarap ko. Kaya heto nagsusumikap.

Rey: Salamat pre lagi kang nandyan para sakin.

Ako: Sus. Puke ka. Wala yun. Napakalaki din naman ng utang na loob ko sayo.

Nangyari ito last 2007.


“Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya,
palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may
pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde.
Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng
buhok sa kili-kili. Sa banding huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng
walang napatunayan at bait sa sarili.”


--Master Bob Ong

November 10, 2009

Emo

Ang talakayan natin ngayon ay tungkol sa sarili kong pananaw tungkol sa EMO.

Emo - isang uri ng hardcore punk na naglalarawan ng pag-iibang anyo ng musika sa mga pangkaraniwang ugat.

Ito ay uri ng musika.Pero para sa nakararami ang ibig sabihin ng emo ay ang panlabas na anyo. One sided bangs, studded belt, tight shirts and jeans at ang pinakamasaklap ay ang maiitim na NAILS. Nakikiramay po ako sa mga patay ninyong kuko. Haha:)

Ito pa ang sumisira sa napakalaking larangan ng musika. Ang mga POSERS. Nakikiporma lang. One time may nakasakay ako sa jeep mukhang emo tlga. Tapos alam niyo ba kung anung pinaptugtog niya gamit ang kaniyang cellphone? Upuan - Gloc-9 ft. Jeazell Grutas of Zelle. LOL. Halos malaglag ako sa kinauupuan ko.

"YOU ROCK PARE" sabi ng kasama ko. Hahaha. Tawa kame ng tawa. Hindi naman masama yung nakikiuso pero pinakamasama yung pagiging posero. At heto pa. May classmate ako dati nung 2nd year highschool ako. Emo na emo siya. Sa pananamit, ugali at kilos. Isang araw ng klase nandoon siya sa sulok. Mukhang napakabigat nung pinapakinggan niya sa earphones niya. Paheadbang headbang pa kasi siya. Puki ng amahing kalabaw. Nashock ako nung pinadinig niya sa akin yung pinapakinggan niya. Ang Huling El Bimbo - Eraserheads. Hahaha.

May isa pang katanungan ang bumabagabag sa akin munting kaisipan. Bakit sila naglalaslas? Base sa aking mga impormasyong nakalap sa iba't ibang lupalop ng daigdig. Naglalaslas daw sila dahil subalit sapagkat datapwat upang mapagtakpan daw yung sakit na nararamdaman nila sa puso. Heartbroken daw. Haha. Mas mabuti na daw yung nakikita nila dumudugo yung kamay nila dahil sa sugat na ginawa nila kesa tiisin nalang yung sugat na gawa ng pag-ibig.

Inaamin ko. I'm a big fan of rock music. Black metal, death metal, doom metal, drone metal, folk metal, glam metal, gothic metal, industrial metal, metalcore, Nu-metal, Post-metal, progressive metal at marami pang iba.

Kakaibang ligaya talaga ang hatid ng pakikinig ko ng mabibigat na musika. Kung sa mga party animals ay napapaindayog sila sa musika na kanilang naririnig. Ako naman ay napapaheadbang to the max kapag naririnig ko ang mga paburito kong rock music. Ito ang mga halimbawa ng mga bandang patuloy kong iniidolo.

SixCylclemind
Hale
Cueshe

Hahahahaha. LOL. Biro lang. Eto talaga sila

Bring Me The Horizon
Greyhoundz
Valley Of Chrome
Intolerant
Bless The Fall
Bless The Fallen
Killswitch Engage
Escape The Fate
From Behind These Walls
Within Temptation
Slipknot
Murderdolls
Mudvayne
Six Feet Under
Daath
Cannibal Corpse
Napalm Death
Deathrow
Sodom
Gorgoroth
etc.etc.

Ilan lang yan sa mga bandang aking kinahuhumalingan. Parang nabubuhayan ako kapag nakakarinig ako ng mga kanta nila:)

P.S: Mamatay na lahat ng POSERO.

November 8, 2009

Binata Na Si Totoy

First year sa mataas na paaralan. Nag aaral ako noon sa isang pampublikong paaralan dito sa aming lugar. Dito nabuksan ang aking kamalayan. Natutong ngumiti, umiyak, masaktan, magmahal, magpahalaga, makipagkaibigan, mandaya sa exams, magcutting class, manligaw ng kung sinu-sino dyan, maglibot/maglakwatsa, at unang mapahiya sa klase:)

Natuto ako magbisyo ng mga panahong iyon. Hindi pumapasok sa eskwelahan para lang makapag Computer games/Online games. Isang buwan na kasinungalan. 1 month ako di pumapasok sa school dahil naadik tlaga ako sa Counter Strike at Ragnarok nun. Nung malaman ng nanay ko na hindi ako pumapasok. Pag uwi ko palang sa bahay sumalubong na sa akin yung 2x2 na kahoy. Shit! 360 Degrees Full Swing High Angle ang pagkapalo sa mga legs ko. Magmula nun hindi na ako nagcutting. Nanigarilyo at uminom nalang ako ng alak. Naimpluwensyahan ako ng mga repeater kong kaklase. Haha.

Sila ay sina Noli, Ralph at yung isa naman si Darwin. Apat kame. Teacher at Public enemy ang nabansag kay Noli dahil lahat yata ng teacher sa eskwelahan kaaway nya pati mga guwardiya at janitor at ilang mga estudyante. Si Ralph naman ewan ko kung anung pink na usok ang bumabalot sa kanyang pagkatao. Hindi sya masyadong nagsasalita at tahimik lang talaga. Sa sobrang katahimikan nya hindi na napapansin kung absent ba o present sya sa klase. Si Darwin ang adik. Lahat na yata ng klase ng drugs nasubukan na. Siya yung tipo ng tao na kapag kinausap mo ay mag-eenjoy at matatawa ka talaga kasi lagi syang naka high. Umaga pa lang sabog na sabog na siya. Kung idedescribe ko siya ganito ang pagmumukha nya. Dilaw na mga mata, maputlang labi,payat na katawan at parang may osteoporosis at kamukhang kamukha nya si Makibaoh.[Click me to see]. Last but not the least. Ang inyong lingkod na si Master Pakoy The Great. Haha. Bunso[soy]. Yan ang tawag sa akin dahil ako ang pinakabata. 12 o 13 years old lang yata ako nun pero sila nasa 15 pataas na.

Every friday may inuman session kameng apat. Minsan may mga sumasama sa mga classmates namin pero mostly kaming apat lang talaga. Kwentuhan, asaran at share ng mga ekspiryens sa buhay. Pag mga ganun na yung usapan hindi na ako makasabay kasi sobrang wala pa talaga akong alam. Elementary puro pag-aaral lang nasa utak ko. Pero pag babae na pinag-uusapan ako ang isinasabak nila. Torpe kasi ang mga puta. Kapag may nagugustuhan sila ako ang uutusan nila para kunin yung cellphone number nung hitad. Syempre ako yung pinakapogi kaya hindi daw makakatanggi na ibigay yung cellphone number.LABAN KA!?. Mga hinayupak talaga. Silang tatlo may lablayp samantalang ako wala. Haha. Ok lang yun.

Minsan nung pare-pareho sila bigo sa buhay. May problema daw silang lahat sa bahay. Ganda pa naman ng araw ko noon. Pero sila parang nawalan ng pekpek na kakantutin minamahal sa buhay. Kaya kahit gusto ko pumasok ng paaralan hindi na ako nakapasok at nagcutting na muli. Haha. Inabangan ako sa tindahan malapit sa paaralan at niyaya ako uminom. Pumayag naman ako. Pumunta kami sa bahay nina Noli. Putang inang giliw nabigla ako kasi mayaman naman pala sila. Kaya pala lagi niya ako nililibre pag lunch. Haha. Nagtanong ako.

Ako: Nol bakit sa public school mo naisipan mag aral?

Noli: Mas may thrill at mas masaya sa public soy, pag private hindi sila nakakasakay sa mga trip ko. Buti pa sa inyo.

Ako: Ah. Sige.

Walang tao sa bahay nila noon. Bumili sila ng isang case na Red Horse. Nung makalahati namin yung isang case nag open ako ng topic.

Ako: Paps, ano bang nangyari sainyo ng parents mo?

Noli: Nag away nanaman sila. Parehong umalis dito. Nakakabanas. Paulit ulit nalang ang mga nangyayari dito sa bahay.

Ralph: Pre, ang magandang gawin mo kapag ganun yayain mo nalang kame uminom. Hehe[sabay inom ng alak na nasa baso]

Darwin: Try mo to pare. Taas ng dosage neto.

Noli: Gago!

Biglang pumasok sa isip ko. Sa bahay pala nakukuha ang ugali ng isang tao. Kaya pala palaaway siya kasi lagi niya itong nakikita sa pamamahay nila.

Nagtapos ako ng First year na baon ang mga alaala na ibinigay sakin ng aking mga kaibigan. Marami akong natutunan sakanila. Mga bagay tungkol sa buhay na dadalhin ko hanggang sa pagtanda. Pagsasamahang walang katulad.

Ngayon hindi ko na alam kung saan na napadpad yung mga lechugas na yun. Iniisip ko nga saan na kaya napunta yung si Noli, Darwin, at Ralph. Siguro nakagraduate na sila. Siguro nagbago na yung pamilya ni Noli at si Darwin nasa rehab na malamang. Siguro si Ralph marunong na magsalita. Haay buhay nga naman. Wala talagang permanenteng bagay dito sa mundo.

"Memory is a man's real possession...In nothing else is he rich, in nothing else is he poor."


--Alexander Smith

November 7, 2009

Expect The Unexpected

Tulad ng nakagawian. Daily routine every school days. Magising ng 5:30AM, mag-almusal, magtoothbrush, maligo at syempre nagpapogi sa harapan ng mahiwagang salamin. Bago pa man ako makaalis ay nag-away kame ng aking ina dahil ayaw niya akong pasamahin sa field trip namin. Ganito yan eh...

[Translated to Tagalog]

Ako: Ma, sama ako fieldtrip noh?noh?noh?

Mommy: Hindi! Gastos lang yan. Dito ka nalang sa bahay sa araw ng field trip nyo.
[sabay palo ng hanger]

Ako: Aray! Pero kaylangan kasi sumama eh. Bakit naman hindi? Last na year ko na to sa highschool. Pagbigyan mo naman ako this time.

Mommy: NAGTANONG KA PA KUNG IPIPILIT MO DIN YUNG SA'YO!

Ako: P..p..Pero..

Mommy: Wala ng pero pero. Heto na baon mo at pumasok ka na sa eskwelahan.

Ako: Cge. Alis na po ako.

Umalis ako na may sama ng loob kay Mommy. Pumasok ako sa eskwelahan ng wala sa sarili. Iniisip kung paano ako makakaipon ng pera hanggang dead line ng pagbabayad.[sigh]

Uwian na. Kaarawan pala ng classmate ko. Nagyaya siya uminom.

"Sakto para mawala lahat ng hinanakit ko at makalimot kahit sandali lang" nasambit ko sa aking sarili.

"Shot mo na pre" wika ng kaklase ko. Inom, inom, inom.
Nakakarami na din kami. Malapit na kami matapos at hindi ko napansin ang oras.
Mag aala una na pala ng madaling araw[1:00AM]. Napatingin ako bigla sa cellphone ko. Aw! 9 Missed Calls Recieved. Mommy ko tumatawag.

Ako: Hello ma.

Mommy: Saan ka nak?

Parang umiiyak siya kasi nag iba ang boses nya.

Ako: Sa bahay ng classmate ko. Birthday nya. Uwi na ako sige.

Mommy: Pasensya na anak. Wag mong isipin na wala kaming tiwala sa'yo ng Daddy mo. Iniisip lang namin yung makakabuti. Ayaw lang namin mag-alala. Sige, pinapayagan na kita sumama sa fieldtrip nyo.

Nagdrama?

Ako: Sige. Pauwi na ako.

Makalipas ang ilang minuto.

Nung malapit na ako sa bahay ay naaninag ko ang isang babae na nakaupo sa harapan ng bahay namin. Nakatulog siya sa bangko kakahintay sa akin. Kinalabit ko sya at kinausap.

"Ma, gising. Pasok na tayo madaling araw na oh"

Yumakap bigla sa akin.

"Patawad anak" Nasabi nalang nya.

Hanggang ngayon nadidinig ko pa yung mga salitang yun. Patuloy na pabalik-balik sa aking tenga. Masarap pala ang pakiramdam. Damang-dama ko ang pagsisi ng aking ina. Naramdaman din siguro niya na medyo sumama yung loob ko kanina. Salamat sa'yo Mommy:)


“To forgive is to set a prisoner free and discover that the prisoner was you.”

-Lewis B. Smedes

November 3, 2009

A Lovely Day

Maaga ako nagising . Excited talaga kasi ako pumasok. Kumain, naligo, nagtoothbrush at nagpapogi. Humarap sa salamin at kinausap ang sarili. "Walang makakasira ng araw ko ngayon". Habang papunta sa eskwelahan ay masisilayan mo ang aking ngiti na abot hanggang magkabilang tenga. Ayun nanaman. Umpisa na ng 3rd Grading. Another grading, another paghihirap. Pumasa lang yata ako this 2nd Grading dahil sa pagsali ko sa Intramurals namin. Mabuti na yun. Kaso hindi ako kuntento dahil hindi ko pwede maipagmalaki sa aking mga magulang ang mga grado na saktong sabit at pumasa lang dahil lang sa PLUS na ibibigay pagkat sumali ako sa intrams. Haay! Pangako 3rd grading mag-aayos na ako. Itaga mo sa bato at isulat mo sa tubig.

May nagawa naman akong mabuti this day. Gumawa ako ng exercises at natulog naglecture sa lahat ng subjects ko. Masaya kasi napuri ako ng beybe ko. Shit! Ito na yata ang umpisa ng pagbabago ko. Dismissal na. Hinintay ko si beybe ko at sumabay ako sakanya lumabas ng school. Sayang at hindi ko siya naihatid sapagkat susunduin daw sya ng nanay nya. DEMMET! Ok lang. Nasilayan ko naman sya kahit sandali lang.

Habang nasa pampasaherong jeep at pauwi ay pinagmamasdan ang mga tao na nakasabayan ko sa sasakyan. WAAA! Ang daldal nung dalawang magkaklase o magkakontsaba sa pagbebenta ng shabu. Ewan ko ba. Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako. Matutuwa kasi yung isa kamukha ni Donkey dun sa Shrek. Yung isa naman mukhang fungi na tinubuan ng ulo, dalawang kamay at paa. Maiinis kasi sa sobrang daldal talaga. Halos mapaliguan ako nung laway ni real life donkey. Lumayo nalang ako baka kasi matulak ko siya at maggulong-gulong sa daan hanggang maging lumpiang donkey. Hindi po ako nanlalait. Hindi ako nagpapatawa. Honest lang talaga ako. Hindi pa din nasira ang mood ko, abot tenga pa din ang aking ngiti. Medyo madilim na kaninang nakadating ako dito sa bahay. Nagbihis, kumain, naghilamos, nagtoothbrush at nahiga na. Ready to sleep. Bago matulog nagvibrate ang cellphone ko. Ayeee! Nagtext ang beybe ko. Sikreto na yung sinabi nya. Hihi. Makakatulog ako ng mapayapa at matiwasay:)

November 2, 2009

How's your day today?

Haaay! May pasok na bukas. Kaylangan ko matulog ng maaga. Back to abnormal. Nakakapagod ang araw na ito. Buong araw ako tumunganga sa harapan ng monitor ng pc. Kapagod di ba? Excited na ako para bukas kasi makikita ko na si One and Only labs ko. Hehe. Miss ko na din kasi siya pati mga classmates ko. Masaya na din kasi nakatext ko siya. Halos magreklamo na nga yung keypad ko kakapindot. Phew! pinagpapawisan ako. Mahirap pala sumulat ng isang post. Akala ko madali lang. I got my new haircut today tapos nagpamanicure and pedicure pa. Malandi talaga ako. Wag ka na kumontra. Haha. Ok! matutulog na ako. Good Night:)

November 1, 2009

Introoooo!

Itago nalang natin ako sa pangalang Pakoy. Dito ko ilalagay lahat ng pangyayaring nagaganap sa lupang ipinangako buhay-buhay, lablayp, eskwelahan at kung anu-ano pang bagay tungkol sakin. Imbes na magdrugs ako, nagblog na lang ako, hindi ko lang alam kung may future ako sa pagba-blog. Hehe. Pagpasensyahan nyo na kung puro typo error. Gusto ko lang magsulat tsaka nainspire ako sa mga idol kong blogger tsaka gusto ko lang ishare yung mga emosyon na nararamdaman ko[ANDRAMA].

10 Random Facts about me:

1.Hindi ako kumakain ng gulay at kahit na anumang laman dagat.


2.Hindi ako nakakatulog ng walang kumot.


3.Marami akong kaibigan at pinapahalagahan ko ang bawat isa sakanila.


4.5 or 6 times ako kumain buong maghapon.


5.Hindi ako umiinom ng alak at hindi ako naninigarilyo!


6.Kasinungalingan yung number 5.


7.Hindi ako mahilig magcelebrate ng aking kaarawan.


8.HINDI AKO EMO!


9.Ayaw ko ng tahimik.


10.Mahal na mahal ko ang aking girlfriend.Haha:)

Sa lahat ng magtitiyagang bumasa neto. Maraming salamat po sa inyo. That's all for now. Bukas na po ulit mga sir/mam.