January 14, 2010

Untitled

Habang paakyat ako sa escalator na kulay ginto minamasdan ko ang paligid. Paraiso nga. Ako lang mag-isa. Kawawa naman ako. Wala akong kasama. Nasaan na ba ako? Aray! Natalisod ako. Ito na pala yung hangganan nung magandang hagdanan na gumagalaw ng kusa. Naglakad pa ako ng kaunti hanggang makita ko yung matandang mama na mahaba ang balbas at parang dalawang ihi nalang ay matetepok na.

Mama: Bakit nandito ka? Ubo!Ubo.
Ako: Hindi ko po alam eh. Kayo po alam niyo po ba kung bakit nandito ako?
Mama: Panuorin mo ito.

Sabay abot nung DVD na blu-ray para malinaw naman daw yung kopya.

After 1 hour na panunuod.

Ah. Oo nga po pala. naalala ko na. Nasa bundok pa ako noon nagbabakasyon kasama ang aking kasintahan. Huling araw na nang aming bakasyon. Isang napakatahimik na gabi habang pareho kaming nakahiga sa damuhan at nakatingin sa mga tala.

Napakagaganda naman talagang pagmasdan ng mga bituin noh? Siya.

Kasing ganda at kasing liwanag mo. Ako.


Ano kamo?


Ah. Wala. Mukhang malayo ang iniisip mo ah. Hindi ka ba masaya sa bakasyon natin? May gusto ko bang sabihin? May gusto ka bang malaman? Sunod sunod na tanong ko.

Hindi ko alam paano sasabihin eh. Pero sana maintindihan mo. Magpapakalayo-layo na ako. Magsisimula ako muli ng bagong buhay ng hindi ka kasama.

P..p..pero bakit naman? Nagkulang ba ako? May hindi ba ako nabigay? Nangingilid na ang mga luha sa akin mga mata.

Hindi na kita mahal! Ayoko na sa'yo! Kasinungalingan lang ang lahat ng sinabi kong hindi kita iiwan!

Wala na ba akong magagawa? Tuluyan na akong napaiyak.

Hatid mo na ako sa amin. Bukas na ang flight ko papunta ng ibang bansa. Pinagbigyan lang kita para hindi masayang ang effort mo.

Nag-impake kami at sumakay sa aking kotse. Gusto kong magsisigaw at magwala ngunit hindi ko magawa. Tanging sakit sa aking puso ang aking nararamdaman. Parang binagsakan ako ng langit at lupa. Nagmamaneho ako pababa sa bundok at biglang.

(piiiit.piiiiiiiiiiiit)

-Ending

Mama: Nalinawan ka na?
Ako: Nasa langit po ba ako? Nasaan na ang aking kasintahan?
Mama: Tingnan mo ulit ito. Ubo!

Binuksan niya ang kanyang napakalaking laptop.

Ako: Wow. Hayop! Siya ba iyan? Ang likot naman ng cameraman mo!
Mama: Hindi yan camera man. Camerabird yan. IBON siya! May built-in webcam sa loob ng katawan. Oo siya nga yan.
Ako: Bakit inililibing siya? Namatay din ba sa aksidente?
Mama: Hindi aksidente ang ikinamatay niya. Ang napakalala niyang sakit na walang lunas at hindi pa napag aaralan ng siyensya. Nakaligtas siya ngunit pagkatapos ng ilang araw ay namatay din dahil sa kung anong anik anik na virus ang nagkalat sa katawan niya.

Hindi na ako nakapagsalita.

Mama: Aalis siya dahil ayaw niyang masaktan ka ng lubusan. Nagsinungaling siya noong sinabi niyang hindi ka niya mahal. Halos madurog ang puso niya noong sinasabi niya sayo ang mga katagang iyon.
Ako: Nasaan po siya ngayon?
Mama: Nandun sa impiyerno linalandi si Lucifer. Pokpok ang kasintahan mo. Inuulit ko POKPOK Isang bayarang babae. Hahahaha!

P.S. Isang binata ginahasa at monilestiya ng tatlong bakla. Dinig ko sa balita kanina. WTF!?

1 comments:

Arvin U. de la Peña said...

may naalala tuloy akong pokpok...hehe..

Post a Comment