January 8, 2010

Goodbye

"Sa panaginip laging ikaw ang iniisip. Sa tuwing maaalala ka puso ko'y naninikip. Dahil sa sakit ng iyong ginawa. Ito'y di na malimutan at ito'y nagmarka. Ilang beses na din akong nabigo. Ilang beses na puso ko'y nagdugo. Kailan ko kaya makikita ang babaeng habang buhay kong makakasama?"

Mga salitang nasambit ko habang ako'y nakadungaw sa bintana at patuloy sa paghithit-buga sa hawak kong sigarilyo. Ilang buwan na rin magmula noong iniwan ako ng aking kasintahan. Hanggang ngayon ay pinagluluksa ko pa rin ang nangyari sa aming relasyon.

"What i have done to deserve this?"

Lahat ng oras ko ibinigay ko sakanya. Halos di na ako kumain may maipang'date lang sa iyo. Pati ang kahuli-hulihang pera sa aking bulsa ay ginamit ko upang maibigay ko lang ang luho mo. Minahal kita ng lubusan ngunit ano ang iyong isinukli? Ipinagpalit mo ako sa iyong dating kasintahan.

Ang sabi mo sa akin ay limot mo na siya ngunit nang balikan ka niya napatunayan mo ba? Tama nga ang hinala ko. Naging panakip butas ako at naging parang isang bola na ipinaikot-ikot mo sa iyong palad. Naging sunud-sunuran ako. Halos isumpa kita dahil sa sakit na ibinigay mo. Pinagsilbihan kita. Kinalimutan ko ang lahat para lamang sa'yo.

Naalala mo pa ba noong araw na nagkabalikan kayo ng ex mo? Nasa parke kayo nun habang ako ay nagmamasid. Dinig na dinig ko ang inyong usapan.

"Mahal pa rin kita. Kung maibabalik ko lang ang dati gagawin ko. Sana mapasakin ka muli pero alam kong huli na ang lahat. May bago ka na." Ang sabi niya sayo.

"Ginamit ko lang siya para makalimot magmula nung iniwan mo ako. Iiwan ko siya para sa'yo" Sabi mo.

"Masasaktan siya. Ayokong makasira ng relasyon."

"Hindi ko siya mahal. Ikaw ang tunay kong mahal"

Hindi ko na narinig ang mga susunod ninyong pinag-usapan. Nabingi at halos sumabog ang aking puso sa narinig kong usapan ninyo. Habang papalayo ako sa inyo ay patuloy ang pagbuhos ng luha sa aking mga mata. Katapusan na ng mundo ito para sa akin. Nang makarating ako sa bahay ay tinawagan kita.

"Hello?" habang patuloy ako sa paghikbi.

"Oh! Napatawag ka lab?"

"LAB!!!? May gusto kang sabihin di ba? Sabihin mo na dalian mo!"

"Ako? Wala noh! Anu bang nangyayari sa iyo? Naguguluhan ako"

"Wag mo nang ikaila. Nakita ko at narinig ko ang usapan ninyo ng dati mong karelasyon"

"Saan? Kailan? Nandito lang ako sa bahay magmula kanina"

"WAG KA NANG MAGSINUNGALING!"

"Ok fine! Sasabihin ko na. Let's just break up. Narinig mo na ang lahat. Mahal ko siya" Walang takot mong ipinagtapat sa akin.

*toot* *toot*

Ibinaba ko na lamang ang telepono. Tama na ang aking narinig. Ayoko nang makarinig pa ng kahit anong salita magmumula sakanya. From that very moment parang binagsakan ako ng langit at lupa. Parang batang inagawan ng mamahaling bisikleta. Kulang na kulang ang mga luhang pumapatak mula sa aking mata para maibsan ang sakit at kalungkutan na nararamdaman ko ngayon.

Ito na ang pinakahuling parte ng aking sulat. Sana po ay mabasa ninyo. Paalam sa mundo at sa inyong lahat.

Nagmamahal,
Bigas, Karne, Gasolina at mga Gulay.
Berto.

P.S. It really hurts Ate Charo. You know. Vit water.

"Cut! Good take. Pack up na tayo."

2 comments:

Renz said...

kala ko totoo :D

Pakoy said...

haha . salamat po sa pagbasa sir:)

Post a Comment