January 10, 2010

I Miss You:(


Kapag naririnig ko yung mga lirikong

"Just a fraction of your love fills the air,
And I
fall in love with you all over again. ooo.blah blah blah"

Bigla kong naaalala si babyko.

Kanta ito ni Justin Bieber na pinamagatang Common Denominator. Pakinggan ko daw ito sabi niya. Then magmula nung napakinggan ko siya. Download ko agad sa net. Nalulungkot ako kapag di ko siya kasama. Siyyiti! What is this!? Di ko maipaliwanag. Sandaling araw pa lang kami nagkahiwalay pero miss na miss ko na siya. Nangungulila ako. Gusto ko siyang marinig, makakulitan at mayakap.

Kailangan ba talagang magkalayo kami? Hindi ba pwedeng ifast forward nalang yung oras? Hindi ba pwedeng magtanan na lang? Oh Lord tulungan mo naman is me. Tuwing school days ko lang kasi siya nakakasama. Hindi pwedeng weekends kasi illegal pa ang pagmamahalan namin. For real and for sure papatayin ako ng daddy nya. Masyado pa daw kaming bata. Focus muna daw sa studies sabi ng parents niya. "Hell i care?". Wala naman pinipiling edad ang pag-ibig. Nasa tamang pag-iisip na kami. Alam na namin yung tama at mali. Mahal ko siya at mahal niya ako. May magagawa pa ba sila? WALA! Syempre kahit ganun pa man kaya ko siya ipaglaban kahit anong mangyare. Kahit maging kapalit pa ng buhay ko[DRAMA?].

Makikita ko din naman siya bukas.

6 comments:

Glenn Kun said...

puppy love lang yan. wooh. joke ^^
Kaya mo yan

Pakoy said...

haha . di naman po siguro sir:) salamat nga pala sa comment :D

Pretsel Maker said...

Ok yun nagiibigan kayong dalawa pero hindi lang naman kasi pagibig ang kaylangan ng dalawang tao lalo na kung gusto nyo talagang magsama. Kapag nagsama na kayo kaylangan nyo ng pera para sa sarili nyong tahanan, foods, meds etc..... Hindi naman pwede na aasa nalang kayo sa parents nyo
Payo ko sa inyo na gaya ko rin naman Ipon muna tayo bago pasukin yung kagustuhan nyo hehe baka itlog lang alam natin lutuin Nyok!!!!!

Arvin U. de la Peña said...

miss you din,hehe..minsan ang paglayo sa minamahal ay isang testing kung gaano ka niya kamahal..kung nasa malayo ka na at lagi pa rin siyang nagpaparamdam ay ibig sabihin mahal ka talaga niya at hindi nakakalimutan..kung hindi ka na niya alalahanin dahi malayo ka na ay ibig sabihin lang ay baka may iba siyang nagugustuhan..

Anonymous said...

reconsider your feelings
youre young
youre fresh

wow fresh
hahahaha

bata ka pa
:D











.xienahgirl

Pakoy said...

haha . bata pa din ba?
hindi na cguro . mejo tumatanda na din.
tlgang me ganun? fresh?:P.

Post a Comment