January 24, 2010

Time Passes By.

Naisip mo na bang napakabilis ng oras? O sadyang mabilis lang talaga itong wrist watch ko? Haha. Loko lang. Habang pinanunuod ko itong mga magagandang bituin na kumukuti-kutitap sa sangkalangitan may naalala ako. Napakasarap palang balikan ng kahapon. Mga oras na kumpleto ang pamilya. Mga panahon na masayang nagsasama-sama. Kung hindi lang sana kailangan ng pera sa buhay sana magkakasama kami ngayon. Masaya, nagkukulitan at nakikipagkwentuhan. Kung may time machine lang ako babalikan ko yung mga alaala na lahat kami ay masaya.
Kailangan ba talaga na malayo ang isa, dalawa, tatlo, o apat na miyembro ng pamilya? Kung kaya ko lang buhayin silang lahat ginawa ko na ngunit ako ay nasa mataas na paaralan pa lamang. Alam ko dadating din yung oras na magkakasama tayong lahat.

I miss you dad.
I miss you tita.
I miss you lolo.
I miss you lola.

2 comments:

Glampinoy said...

You are still young. Marami ka pang haharapin. Maniwala ka lang sa sarili mo at ikaw ay liligaya kahit anong mangyari.

Jay Son said...

oo ang bilis tlga ng panahon imagine parang bata pa q kahapon at d q pa naiicp ang bagay na mahalaga pala... hayz kung makakabalik lng tlga aq sa nakaraan... I promised wla aqng sasayanging bagay...

Post a Comment