May mga taong tulad ng lamok, sa dugo ng iba nagpapakabusog
Isang malalim na gabi'y napagmasdan kita. Hindi ako makatulog noon kaya binuksan ko ang ilaw. Nakita kitang aali-aligid sa katawan ng aking kapatid. Pinilit kitang hulihin ngunit hindi ko nagawa. Ginawa ko ito dahil alam kong mamaya lamang ay sisipsip ka ng dugo sa kanya. Pinabayaan kita. Nahiga ulit ako at nag-isip nang malalim. Maya-maya, heto ka na naman at sa

Maya-maya uli, bumangon ako at pinatay ang ilaw, nahiga t nagsisimula na sana akong matulog nang maramdaman kong nangati ang aking mukha. Napatampal ako at napatay kita. Sumambulat ang dugo sa katawan mo. Dahil doon, tuluyan akong hindi nakatulog,
Sumaisip ko na naman ang suliraning bumabagabag sa akin at sa hindi sinasadya'y naging bahagi ka rin ng isipang yaon.
Ikaw na isang lamon lamang ay naihambing ko sa mga taong nagbabalatkayo sa kanilang katauhan. Katulad mo ring sumusipsip ng dugo, lagi silang nakakapit sa akin kapag nangangailangan at kapag may nakamit akong tagumpay. Laging maganda ang sinasabi sa akin kapag kaharap ako.
Tulad mo rin na kunwa'y aali-aligid kapag nakabukas ang ilaw. Nang pinatay ko ang ilaw ay saka lamang lumapit sa akin, kinagat at pinapak ang aking dugo.
Ganoon din sila, na kapag bumagsak ako sa aking kinalalagyan at hahanap-hanapin ko sila sa aking tabi, wala na. Kapag nakatalikod ako, kung anu-anong masamang bagay ang sinasabi nila tungkol sa akin na ikinasasakit ng aking kalooban. Sa aking panimdim, wala man lamang ni isa sa kanilang umaaliw sa akin. Sa ganoong pagkakataon ko nakikilala ang tunay nilang pagkatao at ang mga dungis nila ay sa ganoong pagkakataon ko rin natutuklasan.
Ganoon din nga pala, nagising ako sa katotohanan na ang mga tao palang yaon ay huwad at siyang nagbigay sa akin ng aral ukol sa pakikitungo sa kapwa. Ang katotohanang iyon ang nagdulot sa akin ng tatag ng loob na pumila ng aking kakaibiganin.
Bakit ganyan ka, Munting Lamok? Kapag may ilaw ay aali-aligid lamang na parang nilalaro mo ako, ngunit kapag nasa kadiliman, nangangagat ka! Hindi ka marunong mamuhay ng hindi aasa sa iba. Bakit nga ba?
A, hindi bale na lamang. Kahit ka magkagayo'y nagpapasalamat pa rin ako. Ituturing pa rin kitang kaibigang nagmulat sa akin sa katotohanan.
Maraming salamat, Kaibigang Lamok. BITCH!