April 24, 2010

Gotta Kill Em' All Jhejhemhonsxxzz.


Aksidente akong nakapanuod ng showtime kanina sa telebisyon at narinig ko si Vice na sinabi yung word na "Jejemon". Naalala ko. Based on Harvey Marcoleta sa column niya sa Philippine Daily Inquirer. He calls their language "Jejenese" and their alphabets as "Jejebet". Hindi naman sa nilalait o dinidiscriminate ko sila pero hindi ba kaartehan yung ganitong salita o text?

"eLoewh pfOehh. Usztah nUah? mHhuaAhhkszz."

Pohtangena. Holy potatoes! Sino bang hindi maririndi o maiinis sa ganyang mensahe na mababasa mo sa text, comment sa friendster, pm sa ym at kung anu-ano pa. I admit naiirita ako kapag tinetext ako ng ganyang mensahe ng mga kaibigan o kapamilya ko. Noong isang araw napagsabihin ko yung pinsan ko dahil sa ganyan.

Via text message...

Pinsan: ,,..kuya,.. bvaqet woala kha sza bvahay?

Ako: Katarantaduhan yung text mo! Sang probinsya ka galing!?

Pagkatapos hindi na nagreply. Nakakairita kasi talaga eh. Tapos nakakaturn-off yun lalo na sa mga babae. Potah! Kelan pa matatapos ang pananalanta ng mga "Jejemons" dito sa ating lipunan. Mababa na nga yung pagkatao lalo pang pinabababa. Wala ba kayong mga pinag-aralan? Ilang taon ang ginugol ninyo sa elementarya? Pasusyal di naman mayaman. Maarte nga dugyot naman yung kasuotan. Pwede naman na simple lang diba? Hindi yan makakabute sa ating lahat! Bakit? Porke ba ganyan na yung content ng mensahe na itetext ninyo feeling niyo susyal na kayo nun? Pagtatagain ko mga daliri niyo eh! Kaawa awa naman kayong mga nilalalang kayo. Wala na ngang maipagmayabang nagyayabang pa kayo. Lalo na yung mga hindi talaga marunong umintindi! Anu vey!?:((

Nakakalungkot din naman yun eh. Hindi ako nagagalit, naaawa lang ako. Kung ikaw ay isang jejemon din na napadpad ng masamang air dito sa kuta ko sana matuto ka na. Hindi nakakadagdag ng sex appeal yan, hindi rin yan nakakaturn-on. Mga kuya at ate magising kayo sa katotohanan! Ganito ang tamang spelling oh. Capital "H" small "e" "l" "l" "o". Ganyan ang tamang spelling ng Hello. Hindi eOw. Baduy saka korni brader and sister. Alam ko wala akong karapatan. Isinilang tayo na pantay pantay. Alam ko may kanya-kanya tayong paniniwala at pananaw sa buhay. Pero sana matuto na kayo. Tao kayo hindi kayo mga alien. Pero kung trying-hard ka at medyo mapurol ang utak mo. Sige, keep up the GOOOOOD work! Patuloy sa mga ginagawa habang patuloy kang pinagtatawanan ng ibang mga tao. Respetuhin ninyo yung mga sarili niyo kung gusto niyong respetuhin kayo ng ibang tao. Hindi kayo deserving para laitin ng ibang tao. May panahon pa. Magbago na kayo. Kahit ako magdadamdam din ako kung ganito yung maririnig ko para sa aking mga kapamilya. Weh? Drama? Hindi!

Para naman dun sa mga grammar nazi o watever they call it. Huwag kayong magmarunong. Hindi kayo perpekto at lalong hindi kayo Diyos. Lahat tayo nagkakamali. Pwede pa naman itama eh. Pero para sainyong mga nagmamarunong. Itigil na ninyo ang kahibangan na yan. Wala kayong mapapala sa pagmamarunong ninyo. Salamat!

9 comments:

Lori said...

haha..i do hate jejemon. it just keeps me from reading 2 seconds sentence into 5 seconds.

Pakoy said...

ak nga masilayan ko pa lang naduduling na ako eh. haha. thx for reading:)

Renz said...

chill lang dude..
siguro naman mqatututo na sila kasi kasi saan man eh lantaran na ang pagdidiscriminate sa mga jejemon.

John Marvin Tan said...

ouch, kawawa naman ang mga jejemon, siguro unti unti na silang namamatay, hahaha..... nga pala, follow nio naman ako sa blog ko. thenewworld31.blogspot.com ifofollow back ko kayo.. salamat sobra

niel said...

alam nyo kung O.A sila mas O.A kadin 1 u hate people someday you will be the one of them kakainin m mga sina sabi mo tan daan mo yan O.A mo kung mag react...may pa galit2 portion kapa weeew OA OA mahiya ka sa mga sina sabi mo OA :P

Bridal Cars For Rent said...

I hate Jejemons !!

EK Encarnacion said...

Nawawalan din ako ng gana na makipag-usap sa mga Jejemon. Kaya lang hindi naman natin sila basta-basta nalang maiiaalis dahil parte sila ng Kulturang Popular. At gaya ng ibang bagay na kabilang sa pop culture, lilipas din sila. Kaya maghanda tayo sa pag-usbong ng bagong alpabeto at mga bagong grupo sa lipunan. Nice blog. Hindi ganun ka-biased. Very impartial naman ang pagtatalakay sa issue.

Yours,
EK Encarnacion ng Every-Comedy-Thing at Culinary Coliseum

Jennifer Espia said...

Gusto ko yung part na sinabi mong parte sila ng ebolusyon ng kulturang pilipino.. tulad ng mga nagdaang hippies.. dadaan lang din ang jejemons.. nagbibigay kulay at buhay din sila sa lengwahe natin.. :) tulad dn ng mmga bekimons. Hehehe

Ronald Madla said...

HI po Tama ka dyan brother, This is my first time here in your web blog. I also share different lyrics, music video and Cool Videos in my Blog.If you Have time feel free to drop in my blog http://latestyoutubes.blogspot.com

Post a Comment