January 31, 2010

Ikaw . . . Lamok

May mga taong tulad ng lamok, sa dugo ng iba nagpapakabusog


Isang malalim na gabi'y napagmasdan kita. Hindi ako makatulog noon kaya binuksan ko ang ilaw. Nakita kitang aali-aligid sa katawan ng aking kapatid. Pinilit kitang hulihin ngunit hindi ko nagawa. Ginawa ko ito dahil alam kong mamaya lamang ay sisipsip ka ng dugo sa kanya. Pinabayaan kita. Nahiga ulit ako at nag-isip nang malalim. Maya-maya, heto ka na naman at sa akin umaaligid. Tinangka kitang hulihin ngunit di ko muling nagawa. Muli akong nahiga at nag-isip ng nag-isip.

Maya-maya uli, bumangon ako at pinatay ang ilaw, nahiga t nagsisimula na sana akong matulog nang maramdaman kong nangati ang aking mukha. Napatampal ako at napatay kita. Sumambulat ang dugo sa katawan mo. Dahil doon, tuluyan akong hindi nakatulog,

Sumaisip ko na naman ang suliraning bumabagabag sa akin at sa hindi sinasadya'y naging bahagi ka rin ng isipang yaon.

Ikaw na isang lamon lamang ay naihambing ko sa mga taong nagbabalatkayo sa kanilang katauhan. Katulad mo ring sumusipsip ng dugo, lagi silang nakakapit sa akin kapag nangangailangan at kapag may nakamit akong tagumpay. Laging maganda ang sinasabi sa akin kapag kaharap ako.

Tulad mo rin na kunwa'y aali-aligid kapag nakabukas ang ilaw. Nang pinatay ko ang ilaw ay saka lamang lumapit sa akin, kinagat at pinapak ang aking dugo.

Ganoon din sila, na kapag bumagsak ako sa aking kinalalagyan at hahanap-hanapin ko sila sa aking tabi, wala na. Kapag nakatalikod ako, kung anu-anong masamang bagay ang sinasabi nila tungkol sa akin na ikinasasakit ng aking kalooban. Sa aking panimdim, wala man lamang ni isa sa kanilang umaaliw sa akin. Sa ganoong pagkakataon ko nakikilala ang tunay nilang pagkatao at ang mga dungis nila ay sa ganoong pagkakataon ko rin natutuklasan.

Ganoon din nga pala, nagising ako sa katotohanan na ang mga tao palang yaon ay huwad at siyang nagbigay sa akin ng aral ukol sa pakikitungo sa kapwa. Ang katotohanang iyon ang nagdulot sa akin ng tatag ng loob na pumila ng aking kakaibiganin.

Bakit ganyan ka, Munting Lamok? Kapag may ilaw ay aali-aligid lamang na parang nilalaro mo ako, ngunit kapag nasa kadiliman, nangangagat ka! Hindi ka marunong mamuhay ng hindi aasa sa iba. Bakit nga ba?

A, hindi bale na lamang. Kahit ka magkagayo'y nagpapasalamat pa rin ako. Ituturing pa rin kitang kaibigang nagmulat sa akin sa katotohanan.

Maraming salamat, Kaibigang Lamok. BITCH!

January 24, 2010

Time Passes By.

Naisip mo na bang napakabilis ng oras? O sadyang mabilis lang talaga itong wrist watch ko? Haha. Loko lang. Habang pinanunuod ko itong mga magagandang bituin na kumukuti-kutitap sa sangkalangitan may naalala ako. Napakasarap palang balikan ng kahapon. Mga oras na kumpleto ang pamilya. Mga panahon na masayang nagsasama-sama. Kung hindi lang sana kailangan ng pera sa buhay sana magkakasama kami ngayon. Masaya, nagkukulitan at nakikipagkwentuhan. Kung may time machine lang ako babalikan ko yung mga alaala na lahat kami ay masaya.
Kailangan ba talaga na malayo ang isa, dalawa, tatlo, o apat na miyembro ng pamilya? Kung kaya ko lang buhayin silang lahat ginawa ko na ngunit ako ay nasa mataas na paaralan pa lamang. Alam ko dadating din yung oras na magkakasama tayong lahat.

I miss you dad.
I miss you tita.
I miss you lolo.
I miss you lola.

January 20, 2010

EiNUBAH.


Ohpakyeeeeee.

Ako: Ano yan?

Pinsan: FLOOOOO!

Ako: tanginang yan. FLOOOO? as in capital F to the L with the triple OOOOOOOOOOO???

Pinsan: OO!

Ako: FLOOD yan hindi floooo. Read Carefully. F-L-O-O-D. Wag ignorante. Sulit yung katangahan. Haha!


Pinsan: Pakyu. Di ko napansin. Homayputacool!

Punyeta naiinip ako. Pwede bang pumatay ng guro na kamukha ni Obama? Nayurakan pagkatao ko dun ah! Wattapaking mofos!

Puro mura na lang nasabi ko sa putang post na ito ah. Naiinis lang po. Pasensya na.

January 14, 2010

Untitled

Habang paakyat ako sa escalator na kulay ginto minamasdan ko ang paligid. Paraiso nga. Ako lang mag-isa. Kawawa naman ako. Wala akong kasama. Nasaan na ba ako? Aray! Natalisod ako. Ito na pala yung hangganan nung magandang hagdanan na gumagalaw ng kusa. Naglakad pa ako ng kaunti hanggang makita ko yung matandang mama na mahaba ang balbas at parang dalawang ihi nalang ay matetepok na.

Mama: Bakit nandito ka? Ubo!Ubo.
Ako: Hindi ko po alam eh. Kayo po alam niyo po ba kung bakit nandito ako?
Mama: Panuorin mo ito.

Sabay abot nung DVD na blu-ray para malinaw naman daw yung kopya.

After 1 hour na panunuod.

Ah. Oo nga po pala. naalala ko na. Nasa bundok pa ako noon nagbabakasyon kasama ang aking kasintahan. Huling araw na nang aming bakasyon. Isang napakatahimik na gabi habang pareho kaming nakahiga sa damuhan at nakatingin sa mga tala.

Napakagaganda naman talagang pagmasdan ng mga bituin noh? Siya.

Kasing ganda at kasing liwanag mo. Ako.


Ano kamo?


Ah. Wala. Mukhang malayo ang iniisip mo ah. Hindi ka ba masaya sa bakasyon natin? May gusto ko bang sabihin? May gusto ka bang malaman? Sunod sunod na tanong ko.

Hindi ko alam paano sasabihin eh. Pero sana maintindihan mo. Magpapakalayo-layo na ako. Magsisimula ako muli ng bagong buhay ng hindi ka kasama.

P..p..pero bakit naman? Nagkulang ba ako? May hindi ba ako nabigay? Nangingilid na ang mga luha sa akin mga mata.

Hindi na kita mahal! Ayoko na sa'yo! Kasinungalingan lang ang lahat ng sinabi kong hindi kita iiwan!

Wala na ba akong magagawa? Tuluyan na akong napaiyak.

Hatid mo na ako sa amin. Bukas na ang flight ko papunta ng ibang bansa. Pinagbigyan lang kita para hindi masayang ang effort mo.

Nag-impake kami at sumakay sa aking kotse. Gusto kong magsisigaw at magwala ngunit hindi ko magawa. Tanging sakit sa aking puso ang aking nararamdaman. Parang binagsakan ako ng langit at lupa. Nagmamaneho ako pababa sa bundok at biglang.

(piiiit.piiiiiiiiiiiit)

-Ending

Mama: Nalinawan ka na?
Ako: Nasa langit po ba ako? Nasaan na ang aking kasintahan?
Mama: Tingnan mo ulit ito. Ubo!

Binuksan niya ang kanyang napakalaking laptop.

Ako: Wow. Hayop! Siya ba iyan? Ang likot naman ng cameraman mo!
Mama: Hindi yan camera man. Camerabird yan. IBON siya! May built-in webcam sa loob ng katawan. Oo siya nga yan.
Ako: Bakit inililibing siya? Namatay din ba sa aksidente?
Mama: Hindi aksidente ang ikinamatay niya. Ang napakalala niyang sakit na walang lunas at hindi pa napag aaralan ng siyensya. Nakaligtas siya ngunit pagkatapos ng ilang araw ay namatay din dahil sa kung anong anik anik na virus ang nagkalat sa katawan niya.

Hindi na ako nakapagsalita.

Mama: Aalis siya dahil ayaw niyang masaktan ka ng lubusan. Nagsinungaling siya noong sinabi niyang hindi ka niya mahal. Halos madurog ang puso niya noong sinasabi niya sayo ang mga katagang iyon.
Ako: Nasaan po siya ngayon?
Mama: Nandun sa impiyerno linalandi si Lucifer. Pokpok ang kasintahan mo. Inuulit ko POKPOK Isang bayarang babae. Hahahaha!

P.S. Isang binata ginahasa at monilestiya ng tatlong bakla. Dinig ko sa balita kanina. WTF!?

January 10, 2010

I Miss You:(


Kapag naririnig ko yung mga lirikong

"Just a fraction of your love fills the air,
And I
fall in love with you all over again. ooo.blah blah blah"

Bigla kong naaalala si babyko.

Kanta ito ni Justin Bieber na pinamagatang Common Denominator. Pakinggan ko daw ito sabi niya. Then magmula nung napakinggan ko siya. Download ko agad sa net. Nalulungkot ako kapag di ko siya kasama. Siyyiti! What is this!? Di ko maipaliwanag. Sandaling araw pa lang kami nagkahiwalay pero miss na miss ko na siya. Nangungulila ako. Gusto ko siyang marinig, makakulitan at mayakap.

Kailangan ba talagang magkalayo kami? Hindi ba pwedeng ifast forward nalang yung oras? Hindi ba pwedeng magtanan na lang? Oh Lord tulungan mo naman is me. Tuwing school days ko lang kasi siya nakakasama. Hindi pwedeng weekends kasi illegal pa ang pagmamahalan namin. For real and for sure papatayin ako ng daddy nya. Masyado pa daw kaming bata. Focus muna daw sa studies sabi ng parents niya. "Hell i care?". Wala naman pinipiling edad ang pag-ibig. Nasa tamang pag-iisip na kami. Alam na namin yung tama at mali. Mahal ko siya at mahal niya ako. May magagawa pa ba sila? WALA! Syempre kahit ganun pa man kaya ko siya ipaglaban kahit anong mangyare. Kahit maging kapalit pa ng buhay ko[DRAMA?].

Makikita ko din naman siya bukas.

January 8, 2010

Goodbye

"Sa panaginip laging ikaw ang iniisip. Sa tuwing maaalala ka puso ko'y naninikip. Dahil sa sakit ng iyong ginawa. Ito'y di na malimutan at ito'y nagmarka. Ilang beses na din akong nabigo. Ilang beses na puso ko'y nagdugo. Kailan ko kaya makikita ang babaeng habang buhay kong makakasama?"

Mga salitang nasambit ko habang ako'y nakadungaw sa bintana at patuloy sa paghithit-buga sa hawak kong sigarilyo. Ilang buwan na rin magmula noong iniwan ako ng aking kasintahan. Hanggang ngayon ay pinagluluksa ko pa rin ang nangyari sa aming relasyon.

"What i have done to deserve this?"

Lahat ng oras ko ibinigay ko sakanya. Halos di na ako kumain may maipang'date lang sa iyo. Pati ang kahuli-hulihang pera sa aking bulsa ay ginamit ko upang maibigay ko lang ang luho mo. Minahal kita ng lubusan ngunit ano ang iyong isinukli? Ipinagpalit mo ako sa iyong dating kasintahan.

Ang sabi mo sa akin ay limot mo na siya ngunit nang balikan ka niya napatunayan mo ba? Tama nga ang hinala ko. Naging panakip butas ako at naging parang isang bola na ipinaikot-ikot mo sa iyong palad. Naging sunud-sunuran ako. Halos isumpa kita dahil sa sakit na ibinigay mo. Pinagsilbihan kita. Kinalimutan ko ang lahat para lamang sa'yo.

Naalala mo pa ba noong araw na nagkabalikan kayo ng ex mo? Nasa parke kayo nun habang ako ay nagmamasid. Dinig na dinig ko ang inyong usapan.

"Mahal pa rin kita. Kung maibabalik ko lang ang dati gagawin ko. Sana mapasakin ka muli pero alam kong huli na ang lahat. May bago ka na." Ang sabi niya sayo.

"Ginamit ko lang siya para makalimot magmula nung iniwan mo ako. Iiwan ko siya para sa'yo" Sabi mo.

"Masasaktan siya. Ayokong makasira ng relasyon."

"Hindi ko siya mahal. Ikaw ang tunay kong mahal"

Hindi ko na narinig ang mga susunod ninyong pinag-usapan. Nabingi at halos sumabog ang aking puso sa narinig kong usapan ninyo. Habang papalayo ako sa inyo ay patuloy ang pagbuhos ng luha sa aking mga mata. Katapusan na ng mundo ito para sa akin. Nang makarating ako sa bahay ay tinawagan kita.

"Hello?" habang patuloy ako sa paghikbi.

"Oh! Napatawag ka lab?"

"LAB!!!? May gusto kang sabihin di ba? Sabihin mo na dalian mo!"

"Ako? Wala noh! Anu bang nangyayari sa iyo? Naguguluhan ako"

"Wag mo nang ikaila. Nakita ko at narinig ko ang usapan ninyo ng dati mong karelasyon"

"Saan? Kailan? Nandito lang ako sa bahay magmula kanina"

"WAG KA NANG MAGSINUNGALING!"

"Ok fine! Sasabihin ko na. Let's just break up. Narinig mo na ang lahat. Mahal ko siya" Walang takot mong ipinagtapat sa akin.

*toot* *toot*

Ibinaba ko na lamang ang telepono. Tama na ang aking narinig. Ayoko nang makarinig pa ng kahit anong salita magmumula sakanya. From that very moment parang binagsakan ako ng langit at lupa. Parang batang inagawan ng mamahaling bisikleta. Kulang na kulang ang mga luhang pumapatak mula sa aking mata para maibsan ang sakit at kalungkutan na nararamdaman ko ngayon.

Ito na ang pinakahuling parte ng aking sulat. Sana po ay mabasa ninyo. Paalam sa mundo at sa inyong lahat.

Nagmamahal,
Bigas, Karne, Gasolina at mga Gulay.
Berto.

P.S. It really hurts Ate Charo. You know. Vit water.

"Cut! Good take. Pack up na tayo."